Chapter 9

5.4K 292 83
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 9---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 9
---------------------------------------------------------

Magkahanay kami ni Angelo pero nasa magkaiba kaming estado. Nasa stealth mode siya habang ako nama'y nasa lakompake kung mahuli ako mode. E ba't ba?! Hindi pa naman kapanic-panic ang nangyayari e. Atat masyado itong bugok na 'to. Hello, wala na kayang makakahuli sa'min, tulog na lahat ng tao.

Ang mabuti pa, imbis na mataranta, kagatin ko na lang itong labi ko upang pigilan ang maputak kong bunganga na gisingin ang mga nahihimbing nang kasambahay.

Masuyo niyang hinaplos ang palad ko saka mahigpit na ipinagdaop ang aming mga kamay. May naramdaman akong... hmm... Tama, pandidiri nga. Ngunit bago pa ako makareak, hinaltak niya na ako't tumakbo sa pinakatahimik, subalit nanginginig, na paraan.

Nagmistula akong kaladkaring lalaki ha! Hype na yan!

Sa pantry daw ang aming daan. Nung nalaman ko yun, natural pumalag ako. Ang argumento ko, hindi ba malansa dun? Malay ko ba kasi kung may regla yung babae tapos bigla kaming dumaan sa pantry niya, edi para kaming sumabak sa gyera at dugu-dugo pagkalagpas! Errr, may point naman ako di ba?! Pero bobo ata 'tong lalaking 'to, hindi na-gets ang ipinaglalaban ko't kumamot lang ng batok. Tirisin ko mga kuto niya eh.

Pumasok kami sa masikip na silid na taguan ng mga grocery at mga kasangkapan pangluto. Nang mamataan ko ang nagmumurang pack ng Pic-A sa ibabaw ng ref, barbecue flavor, minabuti kong dekwatin ito para saka-sakaling magutom ako sa byahe, edi solved. Di kami nagtagal doon at nagsumiksik na sa parisukat na butas na sa tantya ko'y kinapepwestuhan ng aircon noon. Nauna si Angelo, at nung turn ko na, sinalo niya ako kaya matiwasay akong nakalabas ng bahay.

"Oh ano, wala kang balak ibaba ako?!" alma ko sa pagkarga niya sa'kin mala-mabuhay ang bagong kasal!

Tinapik niya ang bibig ko.

"Wag ka maligalig. Buhatin na lang kita para mas mabilis tayo makalabas." bulong niya na waring seryosong seryoso. 'Tatot tuloy ato.

"Pwede pasanin mo na lang ako?! Tutubuan ako ng epep sa posisyon na 'to eh."

"Shhh! Mamaya na yang usapang epep. Ang mahalaga maka-alwas tayo sa gate." kapit ko sa leeg niya

"Ah sige, mamaya na lang yung topic na yun no... hmmm siguro pag nasa pantry na tayo? Dun bagay e---"

"Tanga nakadaan na tayo sa pantry!"

"Waaaahhh! Sayang di ako informed. Di ko tuloy nasipat kung mabuhok o hindi yung ano." iling ko habang yumuyugyog gawa ng pagtakbo ng barako.

Walang anu-ano'y ibinato ako ng gago. Mabuti na lang alerto ako kaya hindi ako gaanong nasubsob at nabagok, bagkus ay nailapat ko ang aking mga kamay nang tumalsik ako sa mayayabong na bushes.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon