Chapter 19

4.2K 256 95
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 19---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 19
---------------------------------------------------------


"Sino ka ba talaga ha?!" hambalos ko sa kanyang dibdib. Tinanggal niya ang bandanang tumatakip sa aking paningin.

"Blaise, bulaga." poker face niyang tugon. Hindi man lang lumaki maski katiting ang mga mata niya, napakahusay manggulat ano po.

Nagsalubong ang aking mga kilay.

"Nooo!!!" napabahing pa ako sa pag-usal ko niyan at the top of my lungs "You're not just Blaise! Sino ka ba?! Bakit galit sa'yo si Dad? Anong pinag-aawayan nyo kanina?! Bakit niyo ako pinaniwalang patay na si Angelo?! Bakit niyo ko niloloko?!" lubos kong pagmamaktol bagamat walang luhang tumutulo mula sa aking mata.

Nang ngumisi siya'y lalo akong nag-init. Akala niya siguro nagbibiro ako, pwes hindi!

"Pakawalan mo ko." Mahina ngunit nagbabanta ang aking tinig.

Sumalampak lamang siya sa sahig at pinag-usap di umano ang mga piguring Pokemon.

"Huwag ka umakting na parang may sira ang ulo ah! Hindi mo ko makukuha sa ganyan. Not this time. Wala ka talagang sakit di ba?!"

Natigilan siya habang ako'y nagsasalita, pero nang ako'y matapos ay pinagpatuloy niya ang pag-arte.

"Pakawalan mo ko't babasagin ko yang mukha mo."

Sa wakas ay bumitiw na siya, bumitiw sa mga laruang ginagamit niya upang ikubli ang totoong siya, bumitiw sa mahabang pagpapanggap na ngayo'y bunyag na. Sinunod niya ang kahilingan ko, pinakawalan niya ko kahit pa alam niya ang gulong sasalubong sa kanya.

Isang suntok sa pisngi ang aking naging panimula.

"Tangina mo, bakit ako ha?! Bakit ako pa ang napili mong pagtripan?!" nakatungo lamang siya’t hindi dumaing ng anuman.Tila ba handang tanggapin ang mga bigwas na aking pakakawalan.

"Bakit ganon yung pag-uusap niyo nila Dad?!” tulak ko sa kanyang dibdib. Lalo lamang akong naiinis sa kanyang pananahimik “Sumagot kaaaa!"

Pinunasan niya ang dugong nagmula sa kanyang ilong. Nang masulyapan niya iyo'y sumibol ang ngiti sa kanyang labi.

"Sige manggago ka pa."

"Baby..."

Akmang hahawakan niya ang magkabilang pisngi ko'y umalma ako't humakbang paurong.

"Gago baby-hin mo tinggil mo! Tigilan mo ang pagpapaligoy-ligoy, sabihin mo na sa'kin ang dapat kong malaman!"

Balak yata ng lalaking ito na pasabugin ako na parang bulkan. Kitang kinakausap, aba ang lakas pa rin ng loob na ako'y talikuran! May nalalaman pang pagkambyo! Leche siya! Susugurin ko na sana siya, papasan sa leeg, maniniko ng balikat, mangangagat ng tenga hanggang sa magpagulong-gulong siya sa sahig at mamilipit sa sakit, subalit,

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon