Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion---------------------------------------------------------
Chapter 16
---------------------------------------------------------"May Advil Liqui-gel ba kayo dyan teh?" kamot ko sa aking sentido. Tila nabigla ang babae kaya hindi agad nakasagot.
Tinanggal niya ang telang bumabalot sa kanyang ulo. Hindi pala siya teh, manang na pala. Maputi na ang buhok eh.
"A-aanhin mo hijo?"
Ako naman ang natigilan, naguluhan. Paano niya nalamang lalaki ako? Ah baka sa MUSCLES ko. Hembem! E bakit kaya siya nautal? Bakit kung titigan niya ako'y para akong bangkay na umahon mula sa hukay? Tumaas ang aking kanang kilay subalit rumelax din naman ito pagkuwan.
"Gagamitin kong feminine wash teh..." pinanindigan ko na ang 'teh'
Para akong lalamunin ng mga mata ng matanda matapos kong sabihin ang mga katagang iyan. Nailahad ko pa ang mga kamay ko upang sumaklolo sakaling malaglag ang mga ito. Kumibot ang kanyang labi.
"Hijo???"
"Teh, jowk yun kasi. Hanubaaa, penge na 'kong gamot. Pinasakit ng mga amo mo ang ulo ko eh."
Hinaplos ng matanda ang aking pisngi saka ipinakita ang kanyang magandang ngiti. Napaurong ako.
"Huwag mo akong i-teh hijo, ako ito, si Nanay..." naantala ang kanyang sasabihin nang dumating ang Pokemon.
Tila ba nataranta ito't agad kaming pinaghiwalay. Hinampas ko ang braso ng lalaki. Hinimas na rin ng patago tutal nandun na rin naman ako sa sitwasyong yun eh.
"Bitawan mo nga ako!!!" maktol ko. Tinanggal niya ang pagkakakapit sa'kin pero ako, hindi.
Nilingon niya ang babae.
"'Nay, yung paksiw, luto na ba?"
"Wow paksiw!" reak ko
"Oo. Nakapagdala na ako sa hapagkainan." si Blaise ang kausap ng matanda pero sa akin ito nakatingin.
Sapantaha ko'y lola siya ni Blaise. Hindi sila magkamukha, malay mo di ba lolo niya pala ang kamukha ng Pokemon. Tinatakpan ng lalaki ang view ko pero nagpupumilit ang matanda na silipin ako.
"Tara na, kain tayo." yaya ni Blaise na may paghawak sa kamay ko. Tinitigan ko muna iyon bago kumalas.
"Kain lang, wala namang tayo." nahawa na ako sa pag-ismid ni Donya Bolba. Tinungo ko ang tapat ng matanda at nagmano rito. "Pasensya na po kung medyo walang galang ako't tinawag kang teh ah. Hindi ko naman po alam na lola ka nitong si Blaise-toise at ikaw ang bisita namin."
Nakatungo ako kaya di ko alam ang nangyayari. Ah basta, tumahimik.
Papunta na sa pangangalay ang leeg ko nung,
BINABASA MO ANG
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
HumorNayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbi...