Chapter 32

3.4K 211 91
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 32---------------------------------------------------------Makalipas ang anim na taon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 32
---------------------------------------------------------
Makalipas ang anim na taon...


"Padaanin niyo ako kung ayaw niyong mabigwasan ha."

Itong mga kumag na gwardya, ang lakas ng loob harangin ang pinakagwapong bisita ng BT Apparel. Mga walang modo ampota. Kung matahin ang sando-boxer shorts-slippers attire ko, sobra! Para baga akong tae. Heh, kung alam lang nila kung sino ako, baka halikan pa nila ang paa ng taeng ito.

"Saan ang office ni Blaise?" Tanong ko sa receptionist, na tulad ng gwardya'y jinudge din ang kasuotan ko. Hindi ko na inasahang tutugunin niya ako, parang mas bet niya pa tumawag ng security kaysa sagutin ako.

Kahit kailan napakabobo talaga nung Pokemon na yon. Pipili na lang ng mga trabahador, iyong masasama pa ang ugali.

Nagpatuloy ako sa pagtrespass, bawat palapag ay masusing hinalughog, hanggang sa mapadpad ako sa 7th floor. Iisa lang ang silid doon pero bago iyon matunton ay no choice ka't mapapadaan sa babaeng blonde na long hair na hindi na nga kagandahan, usisera pa.

"Sir off limits po tayo dito. Sino pong hanap nila?"

Napagawi ang paningin ko sa table niya at doo'y napag-alaman kong siya ang Executive Secretary.

"Kakausapin ko si Blaise Torente."

"Pero wala kang appointment sa kanya."

"Ano naman?"

I-oovertake ko na sana siya pero hinigit niya ako.

"Sekretarya ka ba o gwardya?!" bugnot kong puna sa inaasta niya.

Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kamay.

"May kausap pa kasi si Blaise. Baka makaistorbo ka kapag bigla kang pumasok."

"Ako?" duro ko sa aking sarili "Ako, makakaistorbo? Patawa ka."

"Ang presko natin ah. Sino ka ba? Ngayon lang kita nakit---"

"Kung ayaw mo ako papasukin, ikaw na lang ang pumasok. Tapos sabihin mo sa kanya, may aplikante para sa posisyong EXECUTIVE SECRETARY na gusto magpa-interview sa kanya. Ang pangalan, Soso." Gusto ko na sikuhin itong tarantadang ito e. Epal.

"Soso?" At kinindatan ko siya bilang pagsang-ayon, tapos ipinagtulakan ko na siya patungo sa silid.

It was as if it will take forever bago bumalik ang babae, kaya naman minabuti kong umentrada na. But hep, syempre binasa ko muna ang labi ko para kissable kapag nakita ng gago.

"... Soso daw ang pangalan." Wow, tonong bad vibes na may reglang gelpren na nagpapabili ng fries ang gamit ng malanding sekretaryang ito ha. Please lang wag niya akong tinitrigger.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon