Chapter 20

4.8K 249 91
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 20---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 20
---------------------------------------------------------


"Ngayon pa lang simulan mo na ang pagtalilis tutoy. Nanggigigil ako sa'yo. I feel so attacked. Hindi ko mapapalampas itong paratang mo na 'to. Ako pa ngayon itong mahilig sa t*te kahit ikaw ang naghahabol sa t*te ko?! Aba matinde pati yung mataanda kinuntyaba. Lubusan mong pinaghuhusayan ang paglikha ng kwento e ano? 'Di bale, kapag nakaluwag-luwag na ko, sponsor-an ko ang paglathala ng mga iyan. Gawin nating libro o pelikula, papatok iyan sa takilya."

Biyaya ng langit na naihi ang matanda kaya iniwan niya kami ng Pokemon. Malaya ko nang maisasawika ang hinaing ko. Ang bawat buka ng bibig ko, kumpas ng kamay ko, at sipa ng paa ko'y nagbabadya ng nag-uumapaw kong poot. Bumabaon, as in kaboom, ang titig ko sa kulugo. Alam niyo yung arte ni Taylor Swift sa music video ng Blank Space, yung kinokompronta niya na yung lalaki na pateks-teks? Deputra, ganun ang ganap ko. Iniiwasan kong lakasan ang boses ko para di ako marinig ng matanda, baka sumala ang ihi niya sa arinola eh.

"Una sa lahat, maluwag ka na."

"Tangina!" bunyag ko na malutong pa sa sitsaron.

"Joke lang. Masikip promise. Cross my heart. Pangalawa, walang bahid-dungis ang mga sinasabi namin sa'yo, Soso. Kung ano ang naganap, kung ano ang totoo, iyon lang ang ibinabahagi namin sa'yo. Dati kang barbie pramis. Ang Dad mo, siya ang sinungaling."

"Taena!" suntok ko sa kanyang balikat, 'di na ako nakapagtimpi. Sigurado akong nasaktan siya kahit di ko narinig ang kanyang pag-aray "Shut up. 'Wag mong dinadamay ang walang kamalay-malay, makakatikim ka sa'kin. Ito," pinulot ko ang mga litrato't hinagis ang mga iyon sa kanya "Sinong nag-edit ng mga 'to? Iharap mo sa'kin. Sasambahin ko. Bibigyan ko ng trophy. Ginalingan eh, para bagang walang pagmamanipulang naganap sa bawat larawan. At ang mas kahanga-hanga, pinagbiyak na bunga talaga kami ng bata, akong-ako, hanep. Saan niyo nahalungkat ang kiddo version ko? Kami nga ni Dad walang kopya ng itsura ko between 8 to 17 years old e kasi dukha lamang kami't walang pera pambili ng kamera o selpon. Ang galing niyo. Bilib ako sa inyo."

"Sa'yo na rin nanggaling, wala kang litrato nung eight to seventeen years old ka kasi hindi mo naman kasama ang Dad mo noong mga panahong iyon e. Ako, si Dad, si Mom, si Ate, at si Nanay, kami ang kasama ko. Sa amin ka iniwan ni Ninong Gilbert kasi akala niya, kapag sa amin ka tumira, 'di ka na lalambot-lambot at magiging straight na lalaki ka na. Di ba everyday ang work out sessions namin sa mansyon? Yun! Akala niya kapag araw-araw kang pinag-exercise, titigas ka na, kaso nung nalanghap ng ilong mo ang samyo ni Angelo, iba ang tumigas sa'yo." aniya na may pagtakip pa ng mata sa bandang dulo ng pahayag.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon