Chapter 33

3K 194 95
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 33---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 33
---------------------------------------------------------

Ang laki ng problema ko sa puntong ito ng buhay ko, mga par. Hayp. Paano ko, namin, tatakasan ang putanginang pagtitipon na ito na ramdam na ramdam kong hindi ako belong?

"Shot. Shot."

At nagshot nga ang unyango. Bahagya akong nalungkot kanina noong nalaman kong natuto na palang mag-inom ang Pokemon. Depensa niya, occasional lang naman ang pagtoma niya. Lalo tuloy akong nalungkot nang mapagtantong wala ako sa mga 'occasion' na iyon.

"Ikaw na sunod." bulong niya sa'kin habang nagkakatuwaan pa ang iba niyang mga kaibigan. Nag-flex ako sabay sabing, kaya ka to no.

"Okay. Ang bisita na ni Mr. CEO ang tatagay. Shot na"

I faked a laugh. Nakipagtitigan muna ako sa bawat isa sa kanila bago lumagok. Mainit ang hagod ng alak sa lalamunan ko.

"Mr. CEO, sino ba iyang bisita mo? Ngayon ka lang nagdala ng tao ah, dati palagi aso."

Hindi ko mawari ang rason kung bakit nagtawanan sila.

"Si Crisostomo ito." matipid niyang pagpapakilala sa akin. Ang isa pang hindi ko mawari ay kung bakit Crisostomo ang itinawag niya sa akin na para bagang kay Maria Clara, ako'y kanyang ibinubugaw.

"Syota mo?" At nagtawanan na naman ang madla. Mga homophobic yata itong putanginang ito. Sabi na dapat umuwi na ko't hindi nagpakaladkad dine.

Nilingon ako ni Blaise na para bang inaanalisa ang reaksyon ko. Sinuntok ko ang braso niya dahil na-awkward-an ako na pati ang dabarkads ay nakatitig sa akin.

"'Di ah. Wag kayong ganyan, nao-awkward siya." Nakaramdam ako ng kirot, pero napawi rin iyon nang akbayan niya ako "Magkaibigan lang kami. Kaibigan ko lang 'to. Di ba?"

Ewan ko ba kung lasing na siya, o sadyang hibang lang, o ako ang hibang dahil pinakawalan ko siya noon tapos ngayon umaasa ako na ganoon pa rin ang nararamdaman ng gago para sa akin. Masyado ko yatang pinanghawakan ang kapirasong papel na inabot ng anak ni Angelo bago ako umalis. Yun pala, kaibigan na lang ako ngayon.

Kaibigan.

Kung ineexpect niyo na ang sumunod na nangyari'y nagpakalasing ako dahil sa sakit, nagpakalasing din siya sa katangahan, and then the next day we woke up and realized na kinagabihan kami pala'y nagkadjutan, No. Hindi ganyan ka-basic ang kwento ko. What happened is walang nalasing sa amin, tinuloy namin ang inuman one-on-one sa hotel room ko, nagpahiwatig ako na gusto kong magpatira (joke lang), tapos bandang 11pm,

"Grabe grabe grabe grabe grabe grabe gusto pa rin kita kahit grabe grabe" nagwawala na ako a.k.a. nagpapapansin

Tinatawanan niya ako kasi akala niya simpleng kanta lang iyon para sa'kin. Anak ng tokwa. Slow.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon