Chapter 36

2K 105 40
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 36---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 36
---------------------------------------------------------

Bad timing ang naging pag-alarga ko sa tahanan namin ni ama. Nasa kasagsagan sila ng paglalampungan ng kanyang Daddy, laking istorbo ng nilikhang ingay ng ibinagsak kong mga bag.

"I'm sad." drama ko para iwas pagbubunganga ni ama. Nag-acting-acting sila ng Daddy niya na kunyare nag-aayos lang ng kama.

"Anong nangyari sa baby boy ko?" Pinasampa niya ako sa hita niya kaya sumampa nga ako, pero syempre binelatan ko yung Daddy niya para mang-inggit.

Tapos ayun, nalungkot na talaga ako ng legit.

"Next month pa dapat ang alis mo sa Pilipinas hindi ba? Bakit ka sobrang napaaga?"

"Namiss kita, ama" yakap ko like a baby. Hindi na siya nangulit pa na alamin ang aking dinaramdam, hinayaan niya na lang akong maglambing. Marahil ay nadama niyang nanunuot sa kaibuturan ng puso ko ang sakit.

Oo, may sakit ako. Sa utak. Hindi naman na kayo nabigla ano, simula pa lang ng kwento alam niyo na.

On the serious note, yes, may sakit ako sa utak. Iyon ang pinakarason kung bakit napagdesisyunan kong iwan si Blaise anim na taon na ang nakakalipas.

"Crisostomo Molino."

"Present." taas ko ng kamay, kaso wala nga pala ako sa paaralan. Ako'y nasa ospital, at ako na ang susunod na checheck-up-in ng doktor.

Si Ama ang nagrefer sa akin dito nung nalaman niya ang madalas na pagkirot ng utak ko.

Siningil muna ako ng sekretarya bago niya ako pinapasok. Sigurista ang gaga. At nang makita ko na ang lalaking nakaputi, kahit nakatalikod pa siya sa akin, tinalakan ko siya agad.

"Ikaw ba ang Daddy ng Daddy ko?" pamewang kong ganyan saka pinagsalubong ang kilay. Nagulat naman ang doktor at dali-dali akong nilapitan upang takpan ang bibig.

"Ako nga. Pero huwag kang maingay, nasa malapit lang ang mapapangasawa ko. Buti na lang hindi nakakaintindi ng tagalog iyon."

Nakipagbuno ako sa kanya upang ipaglaban ang aking freedom of speech.

"Sige." at nilubayan niya na ako "Basta libre ang professional fee mo para sa'kin o'ryt?"

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon