Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion---------------------------------------------------------
Chapter 8
---------------------------------------------------------Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng ref bago naupo sa sofa. Sa view ko, tanaw na nagpepeysbuk na naman siya. Di nagtagal, nagselfie siya na Japan-japan ang pose. Napangiti ako sa pag-iisip ng ika-caption niya do'n, subalit kasabay nito ang pagpatak ng luha mula sa aking mata.
Nalilito ako. Itutuloy ko ba ang plano kong pagtakas mamaya?
Kung damdamin ang susundin ko, tutuloy ako.
Bakit?
Dahil gusto ko na ulit maglambing sa aking ama.
Dahil gusto ko na ulit makipagkwentuhan sa kanya tungkol sa walang kabuluhang bagay.
Nakaka-miss magtwerk kasama siya.
Ipinampunas ko ang aking kamiseta sa aking pisngi.
"Dad!!!" hiyaw ko sa cellphone na binigay ni Blaise. Lumingon si Dad at napatingin sa CCTV. Tudu-tudu akong kumaway suot ang malawak na ngiti.
Umasa akong nakita o narinig niya ako, parantanga lang. Yun pala agiw ang nakapukaw sa atensyon niya.
Suddenly, nakapagdesisyon ako.
Sige, mamaya uuwi na ko. Uuwi na ko, Dad!!!
Nakarinig ako ng pag-tsk tsk ng butiki. Punyetang animal yan, mukhang gusto pang pigilan ang pagtakas ko! Nako, mag-iingat siya. 'Pag nagkataong magkatagpo ang landas namin, makakatikim siya ng tampal galing sa nagbabaga kong palad!
"Kamusta ka na dyan?" muli kong tuon kay Dad. "Ang lungkot dito sa abroad pero yaka pa naman. Ito na nga pala bago kong roaming number. May package akong pinadala dyan, wait mo lang. Keep safe. Mwa."
Yumuko ako, saka humugot ng malalim na hininga.
"Scammer ka pala." napaigtad ako nang biglang may nagsalita. Itinago ko ang cellphone sa ilalim ng unan saka humarap. Mula sa pagsandal sa may pintua'y naglakad palapit ang lalaki. Tinapik ang balikat ko bago nakiupo sa aking kama.
"Tanga ka talaga. Di ka nakakaintindi ng joke e no." panunuya ko. Piningot niya ang ilong ko.
"Haha! Joke din yon tangi. Ano, nakapagdesisyon ka na ba?"
"Pooooh wet, oo. Ay medyo. 75% sure, I'm going with you." ngisi ko. Lingid sa inaasahan ko'y pinaningkitan niya ako ng mata. Napakapit tuloy ako sa aking dibdib. "Ano?!"
"75% sure? Eh di 25% unsure. Bakit? Hindi mo ba namimiss yung mga naiwan mo sa labas? O sadyang masakit lang sa kalooban mo ang umalis? May pumipigil ba sa'yo? Ano?" sunod-sunod niyang tanong. Di ako prepared kaya bumangon ako't doon sa silya sa pinakadulo naupo, taas paa, yakap ang mga binti.
May pumipigil nga ba sa'kin? Wala naman ah. E ba't 75% lang ang kasiguraduhan ng desisyon ko? Hype na istatistiks yan ginugulo utak ko.
Ah basta ramdam ko lang na may hindi tama kung bigla-bigla na lang ako pupuslit. Ramdam ko na may pising mapuputol kapag umalis ako.
"Ano? Walang maisagot?" ngiti niya na waring may kakaibang naisip. Nangasim ang aking mukha "Wala kang maisagot kung 'ano' kasi hindi naman yata bagay ang humahadlang sa'yo e, kundi tao. Tama ba ako?"
Napaurong ako. Tao ampota? Sino? Yung koreana?
"Pinagsasasabi mo?" sapo ko sa aking sentido. Aba ang kapal ng mukha ng hardinerong to't isinampa pa sa kama ko ang mga paa niya ah! Ayoko na amoy barako na kobre kama ko!
BINABASA MO ANG
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
MizahNayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbi...