PROLOGUE

11.9K 437 110
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------PROLOGUE---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
PROLOGUE
---------------------------------------------------------


"Bihis na bihis ang gago ah" pambabalis ng magaling kong ama na wagas kung makabukaka sa sala. Kahit abala siya sa pagse-cellphone'y nakikita niya pa rin ang nangyayari sa paligid. Partida tuwid na tuwid na akong nagkukubli sa gilid ng aparador ha.

"Ah," naiilang kong tawa saka umariba "Aalis ako, Dad. Pupuntahan ko gelpren ko, naglalambing eh"

Tinungo ko ang malaking salamin at nilabas ang paborito kong armas sa bawat giyera ng buhay--- suklay. Swak na dami ng wax at ilang hagod at hawi lang ay tamang Johnny Bravo na ang buhok ko. Akmang aalis na ako sa tapat ng salamin nang akbayan ako ni Dad at pigilan sa aking balak. Nang ngumiti siya'y nakuha ko na ang ibig niyang ipahiwatig--- magseselfie kami at ipapasok niya ito sa peysbook. Sanay na ako. Lagi naman siya ganyan.

"Teka, isa pang ulit. Ang fake ng ngiti ko."

"Ge lang, Dad."

Matapos makuhanan ang kanyang pinakamagandang anggulo'y bumalik siya sa sofa, na akin namang tinularan bilang ako'y may matinding pangangailangan.

"Dad." akbay ko. Nang hindi ako nagtagumpay sa pagkuha ng kanyang atensyo'y naisipan kong kumandong "Dad!"

"'Nak, anuba?! Kelaki-laki na ng yagba mo, sumasampa ka pa rin sa'kin. Mahiya ka nga. May 'gelpren' ka na ah." nangangaral na siya't lahat lahat e busy pa rin siya sa pakikipagchat

"Pansinin mo kasi ako!" talbog ko na ikina-'harujusku' niya "Aalis nga sinabi ako. Ayat pera ama?" banggit ko sa pinakapa-baby-ng tono, nakanguso habang ang mga kamay ay unti-unting naglalakbay patungo sa...

"Pisti!" hampas niya sa kamay ko bandang malapit na sa kanyang bulsa. "Wag ka nga manghawak ng pwet! May pwet ka naman di ba? Yan pisilin mo, wag itong akin. Sige layas!" pagtataboy niya na para bagang ako'y isang batang may bulutong.

"Dad, penge muna ng pera"

"Ayaw."

"Please?" nakaluhod kong pagsusumamo

"'Nak, subra na. Nung isang araw lang madaling-araw ka na nakauwi dahil sa paglalasing..."

"Kaw din naman ah, magkasama kaya tayo nun?!"

"Sabagay..."

"Dad..." himas ko sa kanyang hita

"Next week na lang, 'nak. Wala ring pera si Dad..."

"E... Baka hiwalayan ako ng gelpren ko..."

"'Nak naman eh..."

"Dad, please?" ginawa ko ang pinaka-the-best ko para maghugis puso ang aking mata.

May kaunting katahimikang namayani nang mariin niya akong tinitigan sa mata. I know that! Ganyan siya pag malapit na bumigay sa aking paglalambing. Ginalingan ko pa ang pagpapakyut, hanggang sa...

Nangislap ang aking mga mata nang kunin niya ang kanyang pitaka mula sa likurang bulsa ng pantalon.

"Sig---"

Yun na yun eh! Nandun na tayo e! Konting-konti na lang! Ready-ng ready na ang thank you speech ko't lahat, pero napurnada lang dahil sa punyetang kung anuman na sumipol. Napatigagal si Dad, waring may naalala.

"Shocks, yung paksiw ko."

"Paksiw?"

Nagtatakbo siya patungo sa kusina. Due to curiosity, ganoon din ang aking ginawa. Naabutan ko siyang nakapamewang sa may kalan, tinitikman ang kanyang putahe. Nawindang ako nang makita ang tipak ng pawis na namumuo sa kanyang noo.

"'Nak..." tila ba siya'y nauubusan na ng dugo

"Dad? Ba't ka namumutla?"

"Yung paksiw ko..." aniya, nabitiwan pa ang sandok. Ako'y nangamba.

"Ha? An'yare sa paksiw mo?"

"Matabang..." bahagya akong nakahinga ng maluwag. Akala ko naman kung ano na.

"Oh, tapos? Matabang lang, para ka nang namatayan dyan?"

"'Nak magmadali ka! Ito pera! Bumili ka ng suka! Dalian mo! Dalian mo!!!" yugyog niya sa'kin hanggang marating sa sala. Dali-dali niyang iniabot ang tumataginting na isanlibo. Ako'y napangiti, ngiti na may kakaibang kahulugan. Sa sobrang tuwa ko pa'y nakindatan ko ang aking ama.

"Akin na sukli?"

"Hindi. Ay, oo. Ay bahala na! Basta humayo ka na't magpak--- bumili ng suka!!!"

Labis na ang paghyhysterical ng aking ama, kaya naman minabuti ko manakbo na't nang matahimik ang kanyang kaluluwa. Muntik pa akong matalisod sa humps, muntik lang--- okay, nadapa talaga ako.

"Pabili!" sigaw ko sa tindahan habang hinihipan ang nasugatan kong siko. May gasgas ito't kaunting dugo. Lumipas ang saglit ay wala pa ring lumalabas na tindera kaya pumulot ko ng bato't itinuktok ito sa bakal. "Pagbilhan niyo naman ako oh!"

Maraming beses rin ako humiyaw, ngunit napagod na lang ako'y wala pa ring tumutugon sa'kin. Nang mapagdesisyunan kong lisanin na lamang ang tindaha'y saka naman lumabas ang tindera, na siya pang may lakas ng loob magalit sa'kin. Talaga nga naman, oo.

"Hoy! Ano? Matapos ka magligalig dito sa tindahan ko, aalis ka na lang?! Bumalik ka dito! Anong bibilhin mo?!" singhal ng babaeng naka-duster.

"Ay pasensya na po. Suka nga po." aking pagpapakumbaba

"Anong suka?"

"Hmm, datu puti?"

"Ah wala, datu itim lang meron dito" mataray niyang banggit. Di ko malaman kung nagbibiro ba siya o ano, pero sa pagkakaalam ko, walang brand na datu itim. Gayunpaman, minabuti kong bilhin na rin ito, pareho lang naman siguro ang mga ito. At isa pa, baka nagwawala na si Dad sa bahay.

"Ah sige po, pagbilhan."

Laking gulat ko nang ibigay sa'kin ng babae ang isang bote ng datu puti na kulay itim. In short, toyo ang ibinigay nya sa'kin. Naihampas ko na lamang ang aking palad sa noo saka iniabot sa nanggagalaiting tindera ang isanlibo. Mas lalo pa akong nanlumo nang ang isukli sa'kin nito ay panay tiglilimampiso.

Mabuti na lang may isa pang tindahan sa malapit. Doon ako nakabili ng totoong datu puti na suka. Habang naglalakad ako pabalik ng bahay, ang suka't toyo'y nakaipit sa aking magkabilang kili-kili, ay inabala ko ang aking sarili sa pagbibilang ng sukli. Wala akong tiwala dun sa babaeng naka-duster, mahirap na baka nagantso niya ko, nako!

"I-sa, dala-wa, tat-lo, a-pat, li-ma, a-nim..." bilang ko na parang nagbibilang lang ng teks. Walang anu-ano'y naramdaman kong umangat ang aking mga paa sa lupa kasabay ang pagpiring sa aking mga mata. Bago pa man ako makasigaw ay may nagbusal na ng panyo sa aking bibig. Sinubukan kong manlaban pero sadyang mas malakas siya sa'kin--- o sila ata? Ay, ewan.

****

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon