Chapter 34

3.2K 216 101
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 34---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 34
---------------------------------------------------------

POV NG POKEMON (First and Last)

"Eh daddy anong oras ka uuwi?"

"Hmmm. Maaga. Basta maaga."

"Uuwian mo ako ng ice cream?"

"Sige."

"And cake?"

"Sige."

"Excuse me Blaise" I held the phone up nang pasukin ng aking sekretarya ang opisina ko "May nag-iiskandalo sa labas. Gusto ka raw makausap. Nagkukunyare pang aplikante para lang papasukin ko dito. Soso daw ang pangalan."

Nabitawan ko ang telepono pati na rin ang hawak kong ballpen dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Soso?"

Imbis na tugunin ako, sumulot ang babae sa ilalim ng mesa ko upang kunin ang phone at ballpen. Hindi ko siya nagawang pigilan dahil gulantang pa rin ako.

At nang mapagawi sa bandang pinto ang paningin ko'y napatalon na nga sa tuwa ang aking puso.

Ang bisita ko'y tila ba na-shock din.

"Soso???" Binabanggit ko pa lang ang pangalan niya'y kaysarap na sa pakiramdam, paano pa yung nasa tapat ko na siya.

"Ako nga." Ngumiti siya ng may pagkapakla.

Habang tinutunton niya ang mesa ko'y napansin kong sumisilip siya sa ilalim nito, at doon ko lang naalalang naroon pa si Rita't hindi tumatayo.

"It's not what you think."

I don't know kung luluhod na ba ako sa harapan ni Soso para magsorry kahit wala akong ginagawang masama o aalalayan ko patayo ang babae, but ang nangyari'y napa-peace sign na lang ako.

"Soso..." sobrang tensyunado ako. Pakiramdam ko nahuli akong nangangaliwa ng asawa ko "Nandito ka na pala sa Pinas."

"Oo nga."pagsusungit niya.

Sobrang awkward ng atmosphere. Wala na ako sa tamang pag-iisip sa mga sumunod na pangyayari. Nangangarag ako, nasusuka, naiiyak, but most importantly, napapasigaw ako sa tuwa pero pigil na pigil ako.

I can't contain the happiness kasi nandito na ulit ang pinakamamahal ko.

Siya pa rin, siya pa rin talaga.

Gusto ko siyang hawakan, yakapin, halikan, pero hanggang pagtingin lang muna ang pwede sa ngayon.

"Gatas? Gatas." nataranta ako dahil nawala ang phone, na nahanap ko rin naman kinalaunan"Anything else na gusto mo?"

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon