Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion---------------------------------------------------------
Chapter 15
---------------------------------------------------------
Nawawala si Blaise!!!"Teka, pakiulit?"
Nalasap ko ang malutong at malinamnam na kutos mula sa Donya. Ang kanyang magkasalubong na kilay ay hindi mapaghiwalay.
"Pampitong beses ko na uulitin ha. Nawawala si Blaise!" sambit nito at the top of her lungs "Si Blaise na walang malay. Si Blaise na ang tanging hangad ay ang kaligayahan mo. Si Blaise na ang tanging maling ginawa ay ang mahalin ka."
Naging awkward ang paligid.
"Charot." mabuti na lang ay hinabol niya ito.
Hindi ko napigilan ang paglabas ng mapanuyang tawa mula sa aking bibig.
"Jutek, totoo ba? Nawawala si Blaise?! Dinakip ganun?! E ang laki niya na ah? Ilang tao kaya bumuhat sa kanya, I wonder..."
Muli ay malutong na kutos na naman ang aking natamo.
"Huwaw??? Coming from you?! Parang hindi ka nakidnap sa laki mong yan e no?" duro at palakpak nito
"Mas malaki naman ang anak mo kaysa sa'kin ano."
"Ibig sabihin mas maliit ka?"
"Oo!" belat ko
"Ahhhh. E di totoo nga yung nabalitaan kong jutay ka... Tama nga sa'yong maging bottom..."
Hindi ko kinaya ang tinuran ng babae kung kaya napatakip ako ng bibig. Nangilid ang aking luha sa masaklap na realidad. Ayaw na ayaw ko talaga maririnig ang salitang ju--- kung ano man yun. Ang impit kong hikbi ay kumawala ngunit saglit lang naman.
"Kanino mo nalaman?" ang aking tinig ay may bahid ng poot at paghihiganti.
"Secret. Hindi ko sasabihin..."
Tumindi ang pagtakip ko sa aking bibig. Paanong may nakatuklas ng aking pinakatatago at pinakamadilim na lihim? Lagi ko naman idinedeny hindi ba? Maging ang utak ko'y dinidiktahan ko na daks ako para hindi ako nadudulas tuwing lasing. Tapos palagi ko pa pinapa-lights off para hindi kita. Taena, mukhang na-kiss and tell ako ng isa kong naka-fling. Matapos kong iparanas sa kanya ang rurok ng kaligayahan ay ito pa ang igaganti niya. Yoqo na. Marahil oras na upang talikuran ko ang aking fuccboi career. Naiiyak ako isiping iiwan ko na ang industriya. Huhuhu. This is Soso Toto Momo, now signing off.
Tinapik ng babae ang aking balikat.
"Nablangko ka na naman. Hayaan mo na yun, hijo. Wala naman yan sa size, nasa performance yan." tila ba nakisimpatya ito sa aking pagdadalamhati.
BINABASA MO ANG
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
HumorNayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbi...