Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion
---------------------------------------------------------
Chapter 30
---------------------------------------------------------
"Kaya ko na maglakad."
Ang hirap sa matatanda, mahina na nga ang buto-buto, gustong-gusto pa magpabibo. Kala mo they're getting younger. Itong ama ko, porket nakatikim ng kaunting ginhawa, feeling niya perfectly fine na siya. E sabi kaya ng doktor, one week pa kami dito sa ospital para ma-obserbahan siya.
"Galing." palakpak ko kuno sa pagchachacha niya mag-isa, saka muling itinuon ang atensyon sa aking cellphone.
Uy Soso kailan na yung date natin? Hulaan ko reply mo, bukas no? Haha. Lampas one month na mula nung nangako ka ah. Lagi mo na lang ipinagpapabukas lol di ako nagrereklamo boss ha, excited lang. Wait ko reply mo.
Tangina nitong lalaking 'to. Araw-araw na lang nangungulit. Kung bakit ko ba naman kasi pinangakuan ang uting na yon? Asang-asa tuloy at 'di mapakali na kala mo sinisilihan ang poki.
"Oh bakit pangiti-ngiti ka dyan? Sino ba iyang katext mo?" usisa ni ama na noo'y nagtetwerk na sa kama. Isa pa itong asang-asa e, asang-asa na yung poging nurse ang mag-asikaso sa kanya.
"Wala akong katext." sagot ko as a matter of fact. Wala naman kasi talaga. Hindi ko naman nirereplyan si Blaise eh, so bale di kami magkatext. Nakatitig lang ako.
"Asus."
He was eyeing me para aminin ko ang dapat kong aminin pero ayako.
"Pinaglilihiman mo ba akong tukmol ka ha?"
"No, Dad!"
"Then, akin na ang cellphone mo."
Ito pa ang isang mahirap sa matatanda. Hilig mangsamsam ng gamit. Bibigay-bigay ng cellphone tapos babawiin din naman. Ano ba ang akala niya sa'kin? Pakarat na high school na bawal kiligin?
BINABASA MO ANG
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
ComédieNayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbi...