Chapter 6

6.1K 303 74
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
Chapter 6
---------------------------------------------------------

Pagkalabas ko ng CR, nagpalinga-linga agad ako sanhi ng dalawang kadahilanan. Una, ayokong ipabatid sa kahit na sino na ako at wala ng iba pa ang nagpasabog ng stink bomb sa kubeta. At pangalawa, nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng aking cool buddy. Cool kasi ang cute ng bagsak sa mahubog niyang katawan ng hapit na hapit na uniform ng isang militar. Sinuot ko ang aking bandana pinulot ang armalite, at lakad-takbong tinungo ang kusina. Huminto ang aking paghakbang nang matunugan kong may paparating. Nagtago ako sa gilid ng ref at pinigilan ang sariling paghinga.

Feel na feel ko talaga ang pagiging kawatan.

Pinakiramdaman ko lang ang kung sino bago ako unti-unting sumilip dahil unti-unti na rin namang naglalaho ang ingay na likha ng unti-unting paglayo ng bwakanena. Bukod sa namataan kong papaalis na si Donya Bolba bitbit ang dalawang saging, wala na akong nakita pang iba maliban sa plato, at kutsara, at iodized salt, at flower vase, at balat ng flat tops na nagkalat sa sahig at ibabaw ng mesa, at mannequin sa ilalim ng mesa, at... at...

Teka nga, kelan pa nagkaroon ng mannequin ng counter terrorist sa ilalim ng mesa?

Napabuntong-hininga ako sa aking napagtanto. Marahan kong nahampas ang aking noo. Kanina sa isip-isip ko, siguro stressed na stressed na yun si Blaise kakahanap sa'kin dahil antagal kong umebak. Yun pala chill chill lang siya sa ilalim ng mesa't namamapak ng tsokolate. Walang pake kahit putok na putok sa kanya ang kasuotan. Walang pake't basta na lamang iniwan ang kanyang rifle sa kitchen counter. Nako, kung ako totoong terorista, binatuhan ko na 'to ng granada eh.

Nonetheless, nilapitan ko na lang siya't pinagkukulbit.

"Huy naglalaro pa tayo ah. Watcha doin' there?"

Nilingon niya ako. Lingon lang, then back to business na siya.

"Pahinge nga ako niyan, tikman ko lang." pangungulit ko ngunit tinanggal niya lamang ang pagkakahawak ko sa balikat niya.

Minabuti kong sumuot na rin sa pinakaibaba. Ginaya ko ang pag-indian sit ng loko saka ko inilahad ang aking kamay.

"Ayat."

Umiling-iling siya. Umiling-iling din ako. Ayan pareho na kaming may tililing.

"Isa lang..." pagpapakyut ko. Makailang ulit akong pumikit-pikit, at nang magdeliryo na ang mga mata ko'y minabuti kong bumelat na lamang.

"Ayaw ko." tugon niya't mahigpit na inakap ang garapon ng flat tops.

Nakakatawa. Pareho pala kami ng gunggong, may kinaaadikang pagkaing pambata. Ang pinagkaiba lang e medyo cheap ang akin kasi piso-isa lang while ang kanya'y tupipti-isa. O edi siya na!

Truth be told, napangiti talaga ako ng malaki. Unang beses ko kasi nasilayan ang nagsasalitang Blaise. Nakyutan ako sa kanya. Para baga akong magulang na unang beses nakitang nagsalita ang anak. Nakaka-overwhelm. As in wow. Edi wow.

"Oh-kay. I understand. Been there, done that. Great, baby! Nagsasalita ka na ngayon ha. Good boy." palakpak ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na siya'y kurutin sa pisngi na kanyang ikinamula. Ang ipinagtataka ko lang, kaliwang pisngi lang naman ang kinurot ko di ba? Bakit pati kanan namula? Pati noo niya? At ilong?

Nako, baka may bacteria pang naiwan sa kamay ko?! Tama! Naaalala ko sabi sa commercial, 'pag nagsabon ka gamit ang safeguard (which I did), may maiiwan pang 0.1 percent ng germs sa kamay mo, and in my case, may naiwan pang tae sa kamay ko! Langhiyang tae yan! Ang bangis ah! Leche naman kasing safeguard yan eh, magtatanggal na lang ng bacteria hindi pa i-one hundred percent, tuloy naka-impeksyon pa ng mukha yung natirang germs! Buti pa ang Joy! Siguro kung yun na lang ang ipinanghugas ko, two weeks after malinis pa rin ang ano ko. Sayang! Nagoyo ako dude, buset!

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon