Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion---------------------------------------------------------
EPILOGUE
---------------------------------------------------------"Bihis na bihis ang gago ah"
"Aalis ako, Dad. Pupuntahan ko gelpren ko, naglalambing eh"
"Dad. Dad!"
"'Nak, anuba?! Kelaki-laki na ng yagba mo, sumasampa ka pa rin sa'kin. Mahiya ka nga. May 'gelpren' ka na ah."
"Pansinin mo kasi ako! Aalis nga sinabi ako. Ayat pera ama?"
"Pisti! 'Wag ka nga manghawak ng pwet! May pwet ka naman di ba? Yan pisilin mo, wag itong akin. Sige layas!"
"Dad, penge muna ng pera"
"Ayaw."
"Please?"
"Sig--- Shocks, yung paksiw ko."
"Paksiw?"
"'Nak yung paksiw ko..."
"Ha? An'yare sa paksiw mo?"
"Matabang..."
"Oh, tapos? Matabang lang, para ka nang namatayan dyan?"
"'Nak magmadali ka! Ito pera! Bumili ka ng suka! Dalian mo! Dalian mo!!!"
"Akin na sukli?"
"Hindi. Ay, oo. Ay bahala na! Basta humayo ka na't magpak--- bumili ng suka!!!"
"Pabili! Pagbilhan niyo naman ako oh!"
"Hoy! Ano? Matapos ka magligalig dito sa tindahan ko, aalis ka na lang?! Bumalik ka dito! Anong bibilhin mo?!"
"Ay pasensya na po. Suka nga po."
"Anong suka?"
"Hmm, datu puti?"
"Ah wala, datu itim lang meron dito"
"Ah sige po, pagbilhan."
"Tangina ba't ganito sukli par. Barya ampotek. I-sa, dala-wa, tat-lo, a-pat, li-ma, a-nim..."
Walang anu-ano'y naramdaman kong umangat ang aking mga paa sa lupa kasabay ang pagpiring sa aking mga mata. Bago pa man ako makasigaw ay may nagbusal na ng panyo sa aking bibig. Sinubukan kong manlaban pero sadyang mas malakas siya sa'kin--- o sila ata? Ay, ewan.
"Pi-to. Wa-lo. Si-yam. Sam-pu"
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Isang maalinsangan at maligalig na umaga ang bati ng sanlibutan sa akin sa araw na ito. Pero teka nga, nagbibilang ako hindi ba? Nasaan ang mga barya ko? Nasaan ang pang-date ko?!
BINABASA MO ANG
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
HumorNayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbi...