Chapter 13

5.8K 286 73
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 13---------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------------------------------------
Chapter 13
---------------------------------------------------------

Hanggang sa panaginip, hindi ako tinantanan ng masalimuot na kaganapang iyon. Inusig nito ang pagkalalaki ko. Bruh, I feel so harassed. Yung dignidad ko, parang water dam na nasa critical level na. In the first place, bakit ba kasi ako nagpauto at nag-maria mercedes gayong alam ko naman na sasagasaan nito ang kakisigan kong taglay? Kung sana nagmariang palad na lang ako, nadagdagan pa siguro ang pagkalalaki ko. Edi sana hindi ako natitimang ngayon di ba. Edi sana may mukha pa akong ihaharap sa mga tao!

Ayaw ko na tuloy matulog. Ayaw ko nang mangarap. Ayaw ko nang tumingin. Ayaw ko nang manalamin, nasasaktan ang damdamin!!

Gulong ng buhay, makisama ka naman! Huwag mo naman yurakan ang dangal ko!

Sapantaha ko'y katanghalian na, ngumangawa na kasi ang sikmura ko. Ang mga alaga kong bulate'y nagwewelga na. Kaawa-awa naman sila kaya ayan, humantong ako sa isang desisyon, ang ako'y pumanaog na. Ipinantakip ko na lang ang dalawa kong kamay sa aking mukha para iwas paparazzi. Tuwing may natutunugan akong paparating, nagtatago ako kaagad. Ayaw ko magpakita kahit kanino. Pagtatawanan lang nila ako hype sila.

Matiwasay ko namang narating ang kusina. May nakatakip na pagkain doon, na mabilis kong hinablot dahil 101% sure ako na para sa akin iyon. Gusto niyo ng ebidenya? Una, di ako nag-agahan, na nangangahulugan na malamang sa malamang, itinabi nila itong lasagna para sa gwapo nilang bisita. At pangalawa, nag-uumapaw itong pasta sa plato, e ako lang naman ang nag-iisang hampaslupa na sandamukal kumain sa pamamahay na 'to, kaya ibig sabihin, para sa'kin talaga ito. Makwento ko lang ano, di rin ako nag-exercise ngayong araw. Extended na naman tuloy ang S.O.P., hindi sex on phone ha, kundi Soso's Oplan Pagpapaborta. Ayoko nga kasi magpakita sa mga tao eeee! Di ako makamove on eh pake niyo ba!

Tahimik ang aking lakad. Nasa bandang hagdan na ako, akap ang plato, nung mag-crave ako sa mga magilagid na uod (gummy worms?¿?). Nagpasya akong tunguhin ang pantry (uy, 'lam ko na pantry ngayon) at halughugin ang mga aparador dito. Nagwagi ang aking dugong kawatan kaya limang garapon ang aking agad na itinakas. Lima, kasi naman mariringgit na ang garapon ngayon 'di tulad nung unang bigay sa'kin ni Blaise na dambuhala talaga as in. Hmmm, di naman siguro nila mahahalatang kumupit ako ano since more than a hundred naman ang garapon dun? Unless nag-iinventory count sila at gumagawa ng analytical procedures to compare the actual quantity on hand and quantity recorded on the books di ba?

Dami kong alam, dami kong, dami kong alam, dami kong...

Unang langhap ko pa lang pagkalabas ng pantry, iba na ang aking nasamyo. Amoy sanggol na bagong paligo. Bumukas ang pinto ng banyo. Nagtayuan ang aking mga balahibo.

Juskupo, baka makita ako ng taong 'to. Tapos pagtatawanan niya ako. Tapos mababawasan na naman ang dignidad ko kasi ipapaalala niya sa'king nagdamit-babae ako kahapon. Tapos ichichismis niya ako sa mga kabaro niya. Tapos ichichismis ako ng mga kabaro niya sa sidewalk vendors. Tapos ichichismis ako ng mga tinderang yun sa Bumbay na inuutangan nila. Tapos yung Bumbay ililista sa mini notebook niya ang kahihiyan ko. Tapos malalaglag yung notebook sa kalsada. Tapos mapupulot ni Dad yun. Tapos mababasa niya yung...

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon