Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion---------------------------------------------------------
Chapter 22
---------------------------------------------------------Pagkapatong ko ng bangkito sa bangko, huminga ako ng malalim at nanalangin ng taimtim. Gabayan nawa ako ng mga anito sa aking binabalak. Kaawaan sana nila ang aking ligaw na kaluluwa. Dinampot ko ang lubid saka ako tumuntong sa bangko.
Nakaririnig ako ng mga tawanan. Tawanan na tila ba nangungutya. Bakla, bakla! Tawanan na mas nagpapaigting sa aking pagnanais na isakatuparan ang aking plano. Hindi tama, oo may maaapektuhang buhay, pero ayoko na! Tama na! Pagod na ako, Ador!
Kingina, sino si Ador?
At mas lalong kingina, ba't ba lubid ang dinampot ko't hindi yung walis tambo?! Buset! 'Di naman ako magbibigti e. MAGTATANGGAL LANG AKO NG AGIW AT SAPOT SA KISAME! Jusko.
So ayan, taliwas man sa kagustuhan ko'y napilitan akong pumanaog, at pumanhik ulit dala na ang walis. Nag-sign of the cross muna ako, humingi ng patawad sa sanggre--- este dyosa ng mga gagamba dahil alam kong mali sa perspektibo niya ang gagawin ko sapagkat mawawalan ng tahanan ang kanyang mga kapanalig.
"Trabaho lang, walang personalan." bulong ko sa lumalagalag na gagamba na waring nakaramdam sa papalapit kong paglusob kaya nananakbo na patungo sa kanyang reyna.
Without further ado, inespada ko na ang mga agiw, ang mga sapot, maging yung nasa pinakakasuluk-sulukan ng kisame. I cringed as I saw a small thing shining, sparkling over there. Naalala ko ang phone na binigay ng Pokemon sa akin noong nasa mansyon pa ako, ang phone na nakakapagpakita ng kaganapan sa tahanan na ito at a point in time. For sure, ginagamit ng Pokemon ang selpon na yon para matyagan ako, kaya naman nakangisi kong hinablot ang kapirasong bagay, nag-flex ng braso, saka bumaba na bago pa bumigay at mayupi ang bangkito bunga ng kadakilaan ko. Dinala ko ang kumikinang na bagay sa kusina kung saan niluluto ni Dad ang kanyang specialty na...
"Woooow! Sinigang na footlong!!" gulat ko di umano na may kasamang pagkabig sa dibdib. Humalakhak si Dad as if proud as fvck.
"Nak namiss mo ba 'to?" bungisngis niya
"Oh yea!" rak en rol ko with matching head bang paharap at palikod. Ansaket sa batok nampotek.
As a matter of fact, lahat ng luto ni Dad na FAIL ay itinuturing namin bilang kanyang ISPISYALTI. Sa bilyon-bilyong tao sa mundo, siya lang ang kayang magluto ng paksiw na ubod ng tabang (yet nagugulantang pa rin siya everytime tinitikman ang luto niyang ito). Siya lang din ang eksperto sa pagluluto ng sinigang na walang sahog na baboy, isda, baka o kung ano pa mang punyeta pero may sahog na footlong na chinop-chop diagonally (bravo!). Ang galing-galing talaga ng ama ko, nakakaproud, kaya masisisi niyo ba ako kung love na love ko siya't 'di ko kayang mamuhi sa kanya?
BINABASA MO ANG
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
UmorismoNayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbi...