EXO - [Cheol]
Kinagabihan ay nagkayayaan kaming maglaro ng volleyball dito. Binuo namin ang net at naghati hati ng grupo. Hindi naman kasi patas kung kami na mismo ang magkakagrupo.
Kagrupo 'ko sina Bae, Seth, Lei, Taeya at Jess. Sa kabila naman na kalaban namin ay sina Yna, Han, Shy, Zio, KD at Yen-Yen.
May team C pa. Dahil kung sino ang matalo iyon ang papalitan. Sa team C ay sina Chi, Krus, Shine, Xiumo, Suwo at Yuki. Magsa-sub na lang raw si Fany at Khay hapag kailangan na. Habang si Chat ay busy dahil sa pakikipagusap sa ex niya na hinahabol parin niya hanggang ngayon.
alam 'kong masamang manghusga lalo na kung ganun ka rin naman. Pero mas tnga naman siya sa akin dahil mas martyr siya sa akin. Naghahabol siya sa taong malapit ng matali sa iba. Tingin ba niya mananalo pa siya?
Hindi pa nga martyr ang tawag sa nararamdaman 'kong 'to e. Kaya lang naman ako nagtunog martyr dahil mahal ako ng mahal pero wala naman akong balak ipaalam. Iyon ang masaklap dun. Magmamahal na nga lang kase, sa manhid pa.
"Oh, Game na!" Senyas ni KD at nagserve na ng bola patawid sa kabilang net o team.
Natamaan ito ni Lei at naitawid sa kabila. Dumapa si Yna para maabot ang bola. Pagkadapa nito ay inalalayan siya ni Han patayo pero mas kumapit ng hawak si Yna sa kamay ni Zio. Kaya sumama ang timpla nito.
Pagkasalo ni Jess ng bola ay malakas na palo ang inabot namin kay Han. Mukha pa nga itong nasaktan sa ginawa niya dahil sa sobrang lakas ng impact. Sinalo 'ko ang bola na hindi pa gaanong lumagpas ng net kaya sinundan pa ito ni Taeya ng serve na sinundan pa ni Bae hanggang sa makalabas na ng kabilang team.
Natamaan ni Shy ang bola pero nung sundan pa ito ng palo ni Yen-Yen ay nahulog na ito sa sahig. "Whoop! May points kami do'n!" Hiyaw ni Bae.
Makailang game pa kami at kami ang nanalo. Sumunod ang Team C. Napangisi ako nung sina Chi na pala ang susunod naming kalaban.
Nagtama ang mata namin ni Taeya, Shy at Yen-Yen at sabay sabay silang umiling sa'kin. What? Ano bang iniisip nila? Psh!
"Kami unang magthe-therve ah!"
Tumango sila. At pagkaserve niya ng bola ay napalo agad 'to ni Shine. Pinalo pa ng isa ni Krus para lumabas ng net at nai-spike naman ito ni Jess na ikinagulat ni Krus dahil muntikan na itong tumama sa kaniyang mukha. Nagkapoints kami dahil sa pagilag ni Krus sa bola.
Tumawa lang ang Jess habang nagpe-peace sign at ako naman ay hindi maalis ang tingin kay Chi. Hindi pa niya ako tinitingnan mula kanina. Hindi sa gusto 'kong mapansin niya ako pero parang may nirereklamo ang butchi nito at tinatago lang.
Nakikipagtawanan ito kay Suwo nang sumigaw ako na magse-serve na si Taeya.
Nang mapalo ito ay tumalon pa ako para mailabas ang bola sa kabilang team na agad namang nai-spike ni Chi at nagkabungguan pa ang KD at Yen-Yen sa paghahabol ng bola.
Sinalo ni Bae ang bola hanggang sa mapunta sa kabilang team pero in-spike uli ni Yuki kaya hindi na nasalo ng mga nakaposition sa likod. "YES!" Masaya nitong sambit habang nakikipagapiran kay Yuki at at sa iba pa.
YOU ARE READING
EXO and GG love story (Part 2)
FanfictionAfter the issues and photos were leaked on media, both groups were attacked by the netizens and even by their fans. They received full of hatred and disgust around the world. It became harder for them to continue what they started. __ STARTED: Decem...