SNSD (43)

164 6 0
                                    

SNSD - [Jess]








"Mworageuyo?" (What did you say?) Nangangapa pa ako ng sasabihin. Bakit niya iyon pinagsisisihan? Akala 'ko ba totoo ang mga sinasabi niya na hindi niya ako gusto? E, ano 'to?








Kumawala ako sa bisig niya para tingnan siya ng deretso, "Tigilan mo nga ako, Krus -- "








"Don't be too in denial! Sapat na 'yong nagsinungaling tayo sa isa't isa because this time.. Hindi na ako magsisinungaling."








Kumunot noo 'ko. Oo. Oo gustong gusto 'ko si Krus pero bakit may doubt ako sa feelings niya? Bakit ayaw 'kong maniwala? Yes, i'm happy. Na finally ay mutual na ang feelings namin. But i need time to think. Hindi pwedeng pabigla biglang ganito.








"Let me think." Hinarangan niya ako, "Dito ka na magisip." Nainis na rin ako sa pangungulit niya ngayon. "Please lang! Ginugulat mo ako, syempre kailangan 'kong magisip. Hindi magandang biro ang sinasabi mo, Krus. Anytime pwede akong maniwala sa'yo!"








"That's it! Kailangan mong maniwala!"








"Papasukin mo na ako. Kung gusto mo ng sagot, pagpaisipin mo ako."







"How long?"







"Just a couple of days and we'll meet again."







"Bakit ayaw mong maniwala?"







"Just a couple of days, Krus. Couple of days."







"I'll wait."








Tumango ako. Tumango kami sa isa't isa at iginiya na niya ang daan papasok ng building. I didn't look back. Dahil baka oras na lumingon ako ay sunggaban 'ko siya ng mahigpit na yakap at hindi 'ko na mapigilan pang mapaluha.








It hurts right here. Sa puso 'ko. Ang daming masasakit na salita ang naibato namin sa isa't isa tapos sasabihin niyang mahal niya ako? Tingin niya ba ay mas paniniwalaan 'ko 'yung ngayon 'ko lang narinig kaysa sa noon 'ko pa naririnig sa kaniya? Na malabong magustuhan niya ako.








Maraming katanungan ang bumabalot sa aking isipan, pero tulad ng sabi 'ko ay kailangan 'ko pang pagisipan. Dahil hindi biro 'to. Puso ang nakataya dito. Puso naming dalawa na kapag nakapagisip isip na ako.. Hindi 'ko alam kung pagiisahin ba namin ito o mananatiling dalawa ang puso.








Pagkapasok ay sumalubong sa akin si CEO. Nakapamulsa siyang nakasunod ng tingin sa akin. Huminto ako sa harap niya para batiin. "Balita 'ko naghihingalo na kasikatan ng Girls' Generation, a?"








Lalagpasan 'ko na sana siya kaso bigla siyang nagopen ng topic tungkol do'n. Napabalik ang tingin 'ko sa kaniya. "We already talked about this, CEO Kwon."








"Ara. Gusto 'ko lang ipabalita sa'yo.. Baka sakaling ikatuwa mo -- "








"They're more than just a friend to me! Alam niyo 'yan. Bakit naman ako matutuwa? I don't care if they're losing or whatever. Napagusapan na natin na hindi natin sila pakekealaman. Why are you so updated to them more than me?"








"Masyado ka ng sikat para humingi pa ng updates sa'yo. Fans mo na mismo ang nagu-update sa akin." Tumaas kilay 'ko, "Pag sinabi 'kong aalis na ako ng Coridel. Will you let go?"








EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now