SNSD (32)

205 7 0
                                    

SNSD - [Yen-Yen]








"Kayo na?" Nahinto ako sa pagnguya ng kimbap sa narinig 'ko. Kabababa 'ko lang ay may narinig na akong nagtanong ng ganon. Sinong may kayo?








Umikot ikot si Shine sa harap nuong anim, yakap yakap ang sarili. "Nakalimutan 'ko ng magpaligaw. Ayoko rin naman kasing patagalin pa, e. Hehe!"








Tumuloy na ako sa pagbaba. Lumapit sa kumpulan. "Teka, anong meron?"








Si Fany ang sumagot. "Sila na ni Xiumo. Kaninang madaling araw lang!"








Madaling araw? Anong ginagawa nila sa madaling araw? Nagkikita ba sila tuwing madaling araw? Delikado 'yon, a!








Binatukan 'ko si Shine. "Yah!" Reklamo niya. "Anong yah? Nagkikita pala kayo gabi gabi?! Shine naman! Magkikita na lang kayo tuwing gabi pa? Anong kababalaghan naman ginagawa niyo sa gabi?"








Tinakpan ni Chi bibig 'ko. "Mahirap gumawa ng kababalaghan sa gabi. Wala silang makikita, paano nila 'yun magagawa?"








Umawang lalo bibig 'ko. So totoo nga? May kababalaghan nga? Si Chi na mismo ang nagsabi! Omo! Napatakip ako ng bibig sa naiisip 'ko. Naging sila dahil duon? Ang sama naman no'n pakinggan!








"Chi! It's not like that! Nagkakataon lang tsaka.. Anong kababalaghan ba?! Girls, we're only dating. My Goodness." Tinampal 'ko bibig ni Chi. Muntik pa namin siya ma-misinterpret.








"Congrats," ani Yuki. "Pero nagtataka parin ako. Bakit napaka-coincidental ang mga nanyayari sa atin at sa boys?"








Nadinig 'ko pagsamid ni Shy, nagpaalam na magbabanyo lang. Maging ako naman ay nagtataka. Pero ang pasulyap sulyap na tingin ni Shy sa amin pagkasabi no'n ni Yuki ay parang may naguudyok sa akin na tanungin siya. Anong malay natin, diba?








Pasimple akong umalis at sumunod kay Shy sa kusina. Kinalabit 'ko siya na ikinagulat niya. "Huwag ka namang manggulat, Yen-Yen." Kumunot noo 'ko.








Something's bothering her. Ngayon 'ko lang iyon napansin pero pakiramdam 'ko magiging big deal ito.








"Kamusta na kayo ni Seth?" Lumawak mata niya. "O, bakit?"








"What about him? Yen-Yen.." She held my hand. "Are you interested in him? -- " I jokingly hit her.








"Pabo. Sabihin mo nga sa akin, may guess ka ba kung bakit nga ba coincidental mga nanyayari sa atin at sa boys?" Pagulit 'ko sa tanong ni Yuki kanina.








"Syempre, wala."








"Liar. I heard you and Khay talking last year nuong subukan mong makipagusap kay Seth." Nagulat kami sa pagsingit ni Taeya. Sumenyas siya na umakyat kami sa taas para duon pagusapan.








"Baka naman pinilit mo!"




"Ang sama mo sa'kin, Yna! Siya kaya itong lapit ng lapit. Diba, Fany?"




"Sus. Iwas ka kasi ng iwas! Ang rude din kaya ng ganon."




"Bitter niyo!"



"Nagsalita ah?"








***








Palihim akong nagtitili sa nabalitaan 'ko sa dalawang ito. Like, seriously? Hindi ako makapaniwala! Khay is so romantic! Hindi 'ko naisip na magagawa niya ito. Nakakakilig!








EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now