SNSD (55)

168 7 0
                                    

SNSD - [Yna]







Omo.. eottokke?! H-hindi niya pala alam..ang akala 'ko ay sinabi ni Zio sa kaniya dahil isang araw lang ay nagkausap kami ni Zio sa telepono. He asked me about Han, about our real score.







"Hello?"

"Annyeonghaseyo, chingu!" Napairap ako sa bati ni Zio. Katatapos 'ko lang magluto ng paborito 'kong pagkain nong tumawag siya. "Can I go straight to the point?"

Naupo ako sa couch. Nasa kwarto ang ibang girls, may sari-sarili silang kausap sa telepono. Pero 'yung kay Taeya, ay ang agency ang kausap niya. "What?"

"Thanks for helping me! Dahil sa'yo, may ire-regalo na ako sa kaniya."

"How is that straight to the point? -- "

"So what's the real score between you and Han?" Nalaglag ang panga 'ko sa sinabi niya. Napaangat ako ng tingin sa hagdan at sa kwarto dito sa baba.

Humina ang boses 'ko habang kausap si Zio, "Ano bang sinasabi mo diyan?"

"Bakit ka bumubulong?" Nanunuya niyang tanong. Sigurado, sa mga oras na 'to, ay nagpipigil na 'to ng tawa. "Big deal ba 'yung naging tanong 'ko? O baka naman.."

"Yah! Bumulong lang, may ibig sabihin na? Hindi 'ko alam ang sinasabi mo!" Gustong gusto 'ko ng ibaba ang tawag pero ewan 'ko ba sa sarili 'ko pero parang nagugustuhan 'ko pa ang topic na 'to.

"Hindi alam? Hmm.. balita 'ko kasi pumayag na si Ji-Hyun na makipagbalikan kay Han, e." Nanlaki bahagya ang mata 'ko.

Kaya ba ayaw niya na ako gawing rebound? Kaya ba sinasabi niya na biro lang iyon dahil okay na sila ni Ji-Hyun?

"Oh, well, gusto 'ko lang naman ipaalam sa'yo -- "

"Para ka kasing ewan! Alam mo na palang magbabalikan na 'yung dalawa tatanungin mo pa kung anong namamagitan sa amin ni Han. As if namang may mapapala ang one sided thingy na 'to, diba?"

"Aha! Iyon lang naman ang hinihintay 'ko, e. Anyway, sorry ka, nagkabalikan na ang dalawa. Bleh!" Nagulat na lang ako no'ng babaan niya ako ng tawag. Aba, aba. Ang kapal rin talaga nito, e, no? Tsk!






"Hindi 'ko alam 'yon.." dahan dahan siyang lumapit sa akin. Natuod na lang ako at hindi makakilos. "Wala akong alam."







"T-tigilan mo nga ako!" Tinulak 'ko siya para mapatigil siya ng lapit sa akin. "Ang kapal rin talaga ng mukha mo, no?! Timer ka na ngayon?"






"Wait, what?"






"Kaya ba wala ng rebound rebound kasi kayo na ulit?" Shocks, bakit ako naiiyak?! "Nahiya ka pa talagang sabihin sa akin, no? Wala naman akong pakealam kung magkabalikan  kayo! Andiyan naman si Zio para -- "







"Para ano?" Natigilan ako. "Ikaw ang timer ata dito, e. Ang sabi mo, kani-kanina lang, gusto mo ako. Tapos sasabihin mo na andiyan naman si Zio? For what? You like him too? You like us both?"






Kumunot ang noo 'ko. Hindi ba niya gets? Sila na ni Ji-Hyun! Sila na, ULIT!






"PABO! Why didn't you tell me na nagkabalikan na kayo ni Ji-Hyun? Kung hindi pa nakwento sa akin ni Zio tungkol do'n muntik mo na akong mauto diyan sa confession mo!" Turo 'ko sa freedom wall.






Nakalimutan 'kong may tao dito. 'Yong may ari ng Seogyo dong at mukhang nagdadalawang isip pa kung lalapit ba sa amin o hindi para kumuha ng order. Napaayos ako ng tayo, napapunas sa mukha bago pa tumulo itong luha 'ko.






EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now