SNSD (39)

147 8 0
                                    

SNSD - [Jess]







Papalabas na ako ng bahay nila nang matanaw 'ko na ang van ng Girls. Ngunit ikinagulat 'ko ang sumunod pa na mga van kung saan duon naman nagsibabaan ang ibang mga lalaki. Mga body guard siguro.







Hinila uli ako ng mga 'to papasok sa loob at sinara ang pinto, "Yah, igeo museun iliya?" (Hey, what's happening?) biglang tanong 'ko lalo pa't nakasilip lang sila sa bintana. "Boys, anong problema?"







"Hindi ka ba nagbabasa ng news, Jess?" Biglang tanong ni Lei, may kinakalikot sa kaniyang phone saka iyon inabot sa akin. Article about EXO & GG's dating issue. "Dating issue? May masama ba do'n?"







"If you still remember Park Soo, siya ang puno't dulo nito. Kaya napokus ang atensyon sa atin ng mga tao kaysa sa iba pang balita." Nabalik ang tingin 'ko sa boys na nagsisiksilan sa bintana makasilip lang.







"What's with the bodyguards?"







"CEO Kim is very upset with the scandal. Hindi niya na alam kung paniniwalaan ba nila kami o ang mga tao. So they decided to send them body guards para wala ng masabi pa ang ibang tao," ani Suwo.







"So paano naging kayo nina Yen-Yen at Shine kung ganiyan?" Nagulat ako nang may pumitik sa baba 'ko, "Dami mong tanong. Nito lang naman nanyari 'yang body guard na 'yan, e."







"Anong connect no'n sa pagpitik sa baba 'ko?!" Gumanti ako sa kaniya. Gumanti rin siya. Nagpipitikan kami ng baba dito na masasabi 'kong hindi magandang laro dahil nasasaktan ako. "Tumigil ka na nga! Gumaganti lang ako!"







Muli ay naalala 'ko ang naging paguusap namin ng boys sa backstage. Ikinagulat 'ko ang pagbisita nila sa room 'ko habang hinahanda pa lang ang lahat. Sina Suwo, Bae, Seth at Khay lang ang nakausap 'ko no'n.







"O, anong ginagawa niyo dito?"

Sinarado nila ang pinto. Dahan dahan at 'yung tahimik. "Long time no see, Jess!" Umapir sa akin si Khay, naupo sa hawakan nang table. Sa pinagaayusan 'ko. "Namiss ka namin!"

Ngumisi ako, tiningnan sila sa salamin. "Anong pinunta niyo dito?"

"Wala naman. Namiss ka lang namin tulad ng sabi ni Khay. Ganon rin ang girls generation. Nakakapagusap pa ba kayo?"

"Ani.. Nawalan na rin kami ng connection sa isa't isa pagkatapos ng bakasyon. But i'll try to visit next time,"

"Kailan naman?" Ani Bae.

"After my schedules? For sure ay hindi na rin sila gaanong ka-busy."

"O, thakto pala!" Kumunot noo 'ko. Nagulat ako sa pagpalakpak ni Seth at lumapit kay Suwo, inakbayan. "Padating thi Krus! Nakth! Magkikita kita tayong lahat!"

Humikab ako sandali at nagpabango. "Anong connect non sa pagbisita 'ko sa Girls? Bibisita rin ba siya do'n?"

"Hahaha! Secret lang 'to, Jess, a."

"Hoy, Khay. Huwag kang maingay -- "

"May gusto sa'yo si Krus. Nako! Matutuwa 'yon pag nagkita kayo!" Sa una ay kumunot ang noo 'ko. Nasundan ng malakas na tawa. "Hala! Tingnan niyo, kinikilig si Jess! Sabi na nga ba! Mutual ang feelings niyo, e!"

"Pag 'yon nalaman ni Krus, magagalit 'yon, Khay!"

"E kinikilig nga si Jess, o. Tingnan mo. Ang pula na!"

EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now