EXO - [Krus]
I am still wearing a mask to cover my face habang papasakay ng bus papuntang Seoul. Matagal tagal rin akong hindi nagparamdam ulit sa kanila kaya naisipan 'ko ring pumasyal sa kanila.
Balita 'ko pa ay tapos na ang mga sched nila. Sakto lang sa pagpasyal 'ko sa bahay. Suot suot ang earphones nang makarating na ako sa patutunguhan. Bumaba ako ng bus stop, mas piniling lakarin ang bahay nila. Para na rin exercise.
May ibang napapatingin parin sa akin. Kinuha 'ko sumbrelo 'ko saka sinuot. Kahit papaano parin pala ay hindi ako nakakalimutan ng mga tao dito. Ang dami 'ko pa munang tinawiran. Nakita 'ko pa ang malaking billboard sa Coridel E. ang mukha do'n ni Jess. Hindi 'ko napigilang ngumisi at kuhanan iyon ng litrato, dito pa sa gitna ng kalsada.
Nagawa pa akong businahan ng ibang sasakyan sa kalokohan 'ko kaya tumakbo na ako patawid. "Another saesang fan," dinig 'kong sabi ng isang babae.
Gusto 'ko mang ibulgar ang mukha 'ko sa kaniya ay huwag na lang. Baka magkagulo pa. Dumeretso na ako ng dumeretso. Masasabi bang dumeretso ako ng dumeretso kung kada makakakita ako ng maliit na shop ay papasok ako para kumain?
***
"Layo ng nilakbay mo, naglakad ka lang?!" - Bae
"Nagbus ako papuntang Seoul, tapos.. Naglakad na. Para rin maman iyon sa kaligtasan niyo. Baka may makaalam, e." Tumango tango sila. Naupo ako sa sofa, para akong bisita na pinaghahainan ng pagkain. Seriously?
"Yah. Wag niyo ngang pagsilbihan 'yang si Krus. Nalaki na ulo, o!" Pambabasag ni Cheol. "Hindi ka bisita dito, a? Magkusa ka nga."
Humalakhak ako. Nagpatuloy sa pagku-kwento ng kaganapan sa lugar namin. Medyo tahimik sa lugar na tinutuluyan namin kaysa sa Seoul. Dahil dito naglalabasan ang mga artista. Samantalang sa amin, ay wala na silang pakealam sa akin duon kahit pa sabihin na naging artista rin at parte rin ako ng EXO noon.
"Krus!" Nilingon 'ko si Seth. "May balita kami thayo. Nakathabay kathi namin thi Jess nuong nakaraang linggo tha stage at backstage. May thinabi lang naman kami tha kaniya."
"Oo nga. Pero hindi naman masyadong big deal. Kaya wag ka na sanang magtanong," ani Suwo. Patingin tingin kay Seth. Kumunot noo 'ko. Ano namang pakealam 'ko kung may sinabi sila do'n sa babaeng 'yon? "Okay."
Maya maya ay may narinig kaming doorbell galing sa labas. Sinilip namin iyon lahat. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi namin maitsurahan. Hinintay pa muna namin itong humarap at duon napagtantong siya na pala 'yon.
Lumabas agad si Khay, sinalubong si Lei papasok. Sinalubong rin naman namin siya ng masigabong batok. Nagulat rin siya no'ng makita niya ako na nandito. Kaya ako lang ang niyakap niya.
"Kamusta? Buti nagparamdam ka uli!" Ngumisi ako. "Ikaw? Busy ka na naman. Buti nakakauwi ka pa dito."
"Syempre."
"Balitang balita, Lei! Umuusok pa!" Ani Chat. "Si KD at Xiumo.. Nako! May yeojachingu na do'n sa Girls' Generation!"
Maging pati ako ay nagulat. Ngayon lang nila 'yon naikwento sa akin. Kay Seth, naabutan 'ko pa 'yon, e. Pero 'yung sa dalawa? "Kanino?" Biglaang tanong 'ko. "Sino kay KD?"
YOU ARE READING
EXO and GG love story (Part 2)
FanfictionAfter the issues and photos were leaked on media, both groups were attacked by the netizens and even by their fans. They received full of hatred and disgust around the world. It became harder for them to continue what they started. __ STARTED: Decem...