SNSD (40)

155 7 0
                                    

SNSD - [Jess]










"Hindi ako makapaniwalang nakabalik pa tayo!" Singhal 'ko pagkadating sa loob ng kwarto nina Taeya. Duon kami lahat nagstay. "Seriously, bakit hindi ako masyado updated sa ganito?"










Isa isa 'ko pa silang tiningnan nang biglang tumalikod si Fany na naluluha luha. Nagpunas siya saka ako tiningnan. Madali 'ko siyang nilapitan at saka niyakap, "Gwaenchan-a.."










"I really missed you." Yakap niya sa akin pabalik, "Ang daming nanyayaring hindi maganda sa amin magbuhat ng umalis ka."










Even i started to cry. Narealize 'ko na lang at naimagine ang paghihirap nila ngayon. Ngayon na ang dami na pala nilang issues na hindi masolusyonan ng sabay sabay. Na kapag nasolusyonan na ang isa, panibagong problema naman.










Nagui-guilty ako kasi wala na ako dito. Dito mismo, para sa kanila. Ang dami nga namang nagbago simula ng mawala ako sa grupo. Kahit ako, marami rin akong pinagdadaanan. At mas mahirap iyong akin dahil ako na mismo ang nagdadala ng problema, wala ng ganito. 'Yung yakapan ng siyam na babae.










"Ang sama mo naman, Fany. Hindi magandang nanyayari? Para mo na ring sinabi na hindi ka sangayon sa relationship nila Shine."










"Chi, seryoso tayo ngayon, kaya pwede ba?" Ani Yuki. Ngumuso si Chi. "May tumatawa bang seryoso para patahimikin niyo ako? Ayoko na nga."










"I'm sorry if i wasn't there for you. We used to say to each other that we'll always be here for each other. Pero ako itong nawawala." I suddenly realized, "you know the story behind everything and yet i feel so guilty. Pakiramdam 'ko ay kusa akong umalis para iwanan kayo.."










Tinapik ni Shy balikat 'ko. Humahagulgol na rin sa iyak, "That's not it."










"O, siya! Tama na ang iyakan! Matulog na tayo. And, Jess. Congrats nga pala. Pangatlo ka sa MelOn Chart." Ngumuso ako kay Yna, "And I'm sorry for bringing you down."










"What? Of course not!" - Fany










"Iyon ang sinasabi ng ibang tao, e.." We all hugged each other. Hanggang sa nahiga nankami sa kama. Patong patong ang aming mga katawan noong matulog kami.










I must say na gusto 'kong bumalik. Pero baka mas malaking issue lang kung gugustuhin 'kong gawin ang gusto 'ko.










Super Belated happy anniversary, Girls' Generation.










***










Natataranta ako dahil sandali lang na umalis ang mga body guards nila Taeya. Nagmamadali akong magayos para makaalis na rin ka'gad. Nanghiram ako ng extra na tooth brush, nagayos at daliang lumabas ng bahay.










Natatanaw 'ko na sa dulo ang sasakyang kanina lang ay umalis. Ba't ang bilis nilang makabalik?! "Hala, Jess! Andiyan na sila! Hala, hala! Hahaha!" Sinamaan 'ko ng tingin si Chi.










Kahit nakakahiya dahil naka 3 inches akong takong ay tumakbo ako patawid sa tapat ng bahay ng boys. Nanatili lang akong nakaharap sa bahay nila, nakatalikod kila Taeya lalo pa't dumating na nga sila.










EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now