EXO - [Xiumo]
Nakahinga kami ng maluwag paglipas ng isang oras. Nang makarating na kami sa location ng aming pupuntahan. We told the Girls' Generation to stay inside their house. Sa tapat namin. Na kay Taeya naman ang susi ng bahay kaya pwede silang pumasok duon.
Pinagsuot namin sila ng hood at mask, para takpan ang kanilang mga mukha at buhok at isiping kami lang iyong lumalabas.
Shine is still avoiding me. Masyado niya ng nape-perfect ang pagiwas sa akin dahil ultimo magkasabay kami ng pagimik, tingin, o daan ay nagagawa niyang iwasan. It's insulting me. Really.
Katatapos lang namin sa comeback event ay nasa backstage na kaming lahat. Dinig na dinig parin namin sa labas ang pagsigaw ng mga tao sa fanchant nila sa amin. Iyon ang dahilan kung bakit sobra kaming ka-excite magperform sa harap ng maraming tao kahit na consecutive days kaming walang tulog ay dahil sila rin naman ang nagpapagana at gising sa diwa namin.
Fans is really important for each and every idol in this world. Kung walang fans, walang fanchant, kung walang fanchant, walang sisikat, kung walang sisikat ibig sabihin lang no'n walang fans. Malaki ang role na nabibigay ng fans para sa amin. Para sa lahat. They're a gift to all of us.
"Nagtext si Yuki.." Hindi parin ako sanay kay Khay na tinatawag niya lang na Yuki. "Nakabalik na raw sila sa kanilang dorm."
"What did you say, Kai?" Naitago niya sa bulsa ang phone at sabay kaming napaharap. "Sinong nagtext? At anong dorm?"
"Manager Yul.." Was all we managed to say. He lost his sense of humor dahil sa kunsomisyong nabibigay namin sa kaniya.
"Xiumin, Kai -- "
"Manager!" Hindi niya pinansin si Suwo. "Kailan po ba ulit kami magdo-dorm? Hindi parin maka-get over ang dalawang 'to. Gustong gusto nilang bumalik sa dating dorm nila nuong OT12 pa."
Madali niyang napaniwala si Manager. Inalis na ang matatalim niyang tingin sa amin at nilingon si Suwo. "Matagal bago manyari uli ang gusto niyo. Nagkataon lang naman iyong sa dorm niyo. Hindi iyon permanent."
"O, ngayon alam niyo na? Mas maganda nga 'yung may sarili tayong bahay, e." Kinindatan niya kami hanggang sa umalis na si Manager. Maging siya ay kumawala ng hininga sa sobrang kaba saka lumapit. "Kayo! Kapag nasa labas kayo huwag niyo ng paguusapan 'yun, a? Jusko kayo."
"Salamat, Suwo." Tumango lang siya.
***
Pagkatapos ng promotion ay dumeretso kami sa isa pang event. We performed a different song bago ang aming comeback song.
Napagkasunduan namin ang lotto para i-promote uli kahit matagal at tapos na iyon.
"Sonyeoshidae will be here in any minute." Dinig naming sigaw ng isang staff na nagmamadaling lapitan ang director at iba pang empleyado sa likod. "Prepare! Ppali!"
Nagkatinginan kaming lahat. We're all on our places. They'll be here? In any minute.. Maabutan pa nila ang pagperform namin. For sure ay sa backstage ang tungo nila. They'll hear us, right?

YOU ARE READING
EXO and GG love story (Part 2)
FanfictionAfter the issues and photos were leaked on media, both groups were attacked by the netizens and even by their fans. They received full of hatred and disgust around the world. It became harder for them to continue what they started. __ STARTED: Decem...