EXO (37)

178 7 0
                                    

EXO - [KD]










Ngingiti ngiti akong lumabas ng bahay dahil dumating na ang van namin para sunduin kami. Tanaw 'ko sa tapat ang ilang body guards na deretsong nakatayo at nagbabantay sa Girls' Generation. Paano sila lalabas niyan kapag trip nila?










Mahinang kalabit ang naramdaman 'ko kay Suwo pagkasakay ng Van. "Okay ka lang?" Tumango ako. Tumingin na uli sa bintana. "Nga pala, ba't tumawag sa'yo kagabi si Yen-Yen? Anong sinabi?"










Naalala 'ko ang gabing iyon. At 'yung kahapon na sinabi 'ko kay CEO. Hindi ako makapaniwalang mapapaamin 'ko siya dahil lang don. Dahil nga lang ba don? Natatawa rin ako tuwing inaalala 'yung tawag. Si Chi pa talaga ang naging tulay namin para masabi ni Yen-Yen ang totoo.










Sa sobrang nakakatawa ay hindi ako naniwala. Anong malay natin.. Gusto niya lang na magpaka-tnga ako sa kaniya kaya niya nasabi 'yon?










"Wala maman.. Nagsorry lang tungkol do'n sa scandal." Sa harap namin ay si Khay na biglang humarap dito at may pinabasa sa phone niya.








EXO'S D.O AND SONYEOSHIDAE'S HYOYEON SPOTTED AT THE TUKSEOM CULTURE COMPLEX

O AND SONYEOSHIDAE'S HYOYEON SPOTTED AT THE TUKSEOM CULTURE COMPLEX

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.











We're at the Han River! Hindi totoo ito! This is fake.








Hinawi 'ko ang kamay ni Khay. "Hala ka, KD! Alam mo bang mas bina-bash pa ang Girls' Generation kaysa sa atin?" Naupo na siya sa pwesto niya. Binabasa parin ang article. "Alam 'kong kasalanan 'ko pero hindi naman siguro kailangan na sa akin lahat ibunton ang galit diba? Tsaka sa Han River kami nagkita. This is fake."










"Psst, Khay. Huwag kang magdrama. Wala kang kasalanan." Ani Suwo, sinuot na ang headphone niya.










Wala naman talaga siyang kasalanan. Dahil nanyari na lang bigla na nahulog kaming lahat sa isa't isa.










Umaandar na ang sasakyan nang makatanggap ako ng tawag. Nilingon 'ko ang iba. Mga abala sa pakikinig ng music, at ang iba tulad ni Suwo ay nakatulog na. "Yeoboseyo?"










"Hmm.. Good morning," halatang kagigising niya lang. Napangiti ako. Ulit. "Na do. Ba't ka napatawag?"










"Wala lang.. Gusto 'ko lang.." Umayos ako ng upo sa pwesto 'ko. Ganado ng makipag kwentuhan nang maalala 'kong kailangan 'ko nga palang maginarte sa kaniya. "Ah, okay."










"Ayaw mo ba?" Umiling ako bigla. "Hindi naman. Nakakagulat lang. Bakit mo ako gustong tawagan?"










"Aish! KD naman, e! Obvious ba?"

EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now