EXO (72)

148 4 0
                                    

EXO - [Chat]








Two weeks before the concert…








“Ugh, stress,” nasambit 'ko na lang bigla sa kawalan. Sobrang pagod 'ko na parang tinatamad na rin akong tumayo at kumuha ng makakain 'ko.








Maya maya ay nagulat ako no'ng pag upo 'ko sa tapat ng stage ay may lumitaw na pagkain sa taas 'ko. Pag angat 'ko ng ulo para tingnan kung sinong nasa likod 'ko, nakita 'kong si Bae pala iyon.








Nginitian 'ko siya. Lumakdang siya paupo sa tabi 'ko at sabay naming kinain 'yung bigay niyang biscuit. Nakailang buntong hininga yata ako hanggang sa mapansin niya iyon.








Mahina niyang binunggo balikat 'ko, “Kapagod, no?” tumango lang ako.








“Kamusta nga pala kayo ni Niyae? Huling kwento mo sa amin, ay umatras siya sa kasal ng fiance niya? Ano ng sunod no'n?”








Ano nga bang sunod na no'n? Hmm.. Naguguluhan ako. Hanggang ngayon ay hindi siya sumusuko at siya naman itong kinukulit akong magkabalikan kami. Nararamdaman 'ko namang mahal pa niya ako, e. Pero 'yung pakiramdam na 'yon.. hindi 'ko alam kung tama ba 'yon.








I glanced at him and laughed a bit, “Pagkatapos no'n..? Ayun, wala parin akong binibigay na sagot.”








Umatras siya ng konti para mas matingnan ako. “Anong ibig mong sabihin? Siya pa talaga ang nanliligaw sa'yo?”








Umayos ako ng upo, umalis sa pagkakasandal at humarap kay Bae. “Bro, alam 'kong mahal namin ang isa't isa. Pero kakayanin niya ba? Paano kung i-criticize siya ng mga tao at paano kung iyon pa ang maging dulot ng paghihiwalayan namin ulit?”








Tinapik niya bigla balikat 'ko. “Ngayon ka pa ba matatakot? Tss. Kini-criticize na nga rin tayo ng mga tao, naghiwalay ba kami? Naghiwalay ba ang iba sa atin? Hindi, diba? The moment na pumasok kami sa relasyon, wala ng bawian 'yon. Chat, face them. If you love each other so bad, then walang makakapigil sa pagmamahalan niyo. Mas lamang kayo.”








Sa kalagitnaan nang paguusap namin ay tumawag uli sa akin si Niyae. Nilinon 'ko si Bae. Asking for help.. He nodded. Ibig sabihin ay sagutin 'ko.








Tumayo na siya at umalis na para magkaroon kami ng pribadong paguusap ni Niyae. Nang sagutin 'ko iyon, kitang kita mo, dinig na dinig mo kung gaano siya ka-excite na makausap ako.








“It's been a while, Chat! Buti naman sinagot mo na ang tawag 'ko.”








Tinapos 'ko muna ang kinakain 'ko. Saka nagsalita, “Y-you can come over..”








Napansin 'ko ang pagiging tahimik ng kabilang linya, “Alam mo naman na siguro kung saan, diba? Anytime naman, pwede..”








Naririnig 'ko ang mahihinang tawa niya. “Thank you, Chat. I'll buy you flowers! What's your favorite chocolate?”








“H-ha? Hindi na kailangan! Bumisita ka lang, okay na 'yon. Huwag kang.. bibili ng bulaklak, a?”








“Just kidding. Pero sana pagpunta 'ko diyan, kasabay no'n ang pagbalik mo sa akin. I want to make it up to you, Chat. So, let me.. please?”








EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now