SNSD (13)

216 8 0
                                    

SNSD - [Chi]









Nagpasama sa akin si Yuki na magbabanyo sa labas. Kung tutuusin ay kaya naman niya ng magisa e. Antok na antok pa ako pero madali rin akong nagising nung sampalin niya ang mukha 'ko kaya madali 'ko siyang ginantihan at nahiga uli.








Pero wala rin akong nagawa kundi ang samahan siya. Nagugutom ako at susubukan 'kong maningin ningin ng pagkain sa cottage. Malay mo naman ay may naiwan duong pagkain. Kahit nakabukas na ay okay lang.








"Hintayin kita sa cottage ah," sabi 'ko sa kaniya na in-ignore niya lang. Sobrang lamig. buti na lang at nakapajama at medyas ako. Kaso nakastrap shirt lang ako. Aish.








Wala akong nakitang pagkain sa cottage kaya nagantay na lang ako kay Yna. Yakap yakap 'ko ang sarili 'ko habag pinapanuod ang dahan dahang pagalon ng dagat. Ang gwapo rin pala ng dagat noh? Minsan naiimagine 'kong nagba-brush up ng buhok ang dagat kapag umaalon ito ng padahan dahan.








Kamusta na kaya si Sunghyun? Okay lang kaya sila ng Girlfriend niya? Nagtatalo pa kaya sila?








Nakadinig ako ng mahihinang strum ng gitara. Hinanap 'ko iyon at nakita si Cheol na nakaupo sa malalaking bato at mukhang hinaharana ang dagat. As if namang sagutin siya no'n? E lalaki 'yung dagat e. Nagba-brush up nga!








Mabilis akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Nagulat siya pero mas nagulat ako nung banggain niya balikat 'ko kaya ayun! Natumba ako sa buhangin na ito. Ang sungit naman! Tumayo ako, "Laki ng galit mo sa akin ano?" Umirap lang siya.








Nagisip ako ng pwedeng pampatanggal ng inis niya sa akin. Lumuhod ako ng kaunti para maging magkalevel lang kami. Ginalaw 'ko ang ulo niya para mapaharap sa akin at nagsimulang kumanta.







"You're my honeybunch, sugar plum, Pumpy-umpy-umpkin. You're my sweetie pie -- " natigil ako sa pagkanta at pagpapa-cute nung isang inch na lang ang lapit ng mukha namin. Nanlalaki pa ang mata 'ko dun. Pero nagpatuloy ako.. "You're my.. C-cuppycake.. Gumdrop -- "






"CHI!" Halos mapatalon ako sa gulat nung tawagin na ako ni Yuki. Patayo na sana ako para lapitan siya nang higitin ni Cheol ang balikat 'ko paluhod uli at nilapit ang mukha niya sa akin.








"Next time na kakanta ka ng ganiyan, huwag lang sa akin. Huwag 'yung tayong dalawa lang."








"Bakit naman?" Tumingin siya sa labi 'ko at may ngising nabuo sa kaniyang mukha bago ako pinakawalan para sumunod na kay Yuki.








***








Kinaumagahan ay plano namin ang lumangoy lang sa dagat. Nagkakagulo kami dahil ang iba ay nagpapabuhat sa boys. Si Shine pumasan sa balikat ni Chat. Si Fany naman pumasan kay Lei. Tapos si Yna, pumasan kay Zio.








Ang weird lang kasi napapansin 'ko ang pagyukom ng kamao ni Xiumo, tapos hahampasin ni Han ang tubig akala naman niya ay mahahampas e nakakabasa lang siya. Tapos si Suwo, nakatingin lang sa direksyon nina Fany. Ang gulo naman ng mga ito. Naiinggit ba sila sa tatlo?








Lumangoy ako patungo kina Zio para kausapin. "Bitiwan niyo na sina Yna. Naiinggit yata sa inyo sina Suwo. Ang sasama ng tingin sa inyo e!" Nagkatinginan ang tatlo. Samantalang ang mga nakapasan sa kanila ay busy sa pambabasa ng iba kahit na nakapasan ito sa kanila.








EXO and GG love story (Part 2)Where stories live. Discover now