💝Chappitter 105💝

580 12 0
                                    

Tapos na agad ang isang linggo at masasabi kong mas naging close na kami ni baklang Audrey at may new friends din ako na friends niya. Nalaman ko din na nagaaral din dito si Mickey pero hindi ko pa siya nakikita.

Lumabas na ako ng room since b.t na namin pero absent ang magkapatid kasi may regla daw. Si Lea oo, si Lau naman, nagiinarte. Kaloka! Bakit ba ang dami nang bakla? At talagang nakapaligid pa sakin! And speaking of

"Hi,girl!" Bati ni Audrey at nagbeso kami

"Hey..."

"Asan yung dalawang bakla?"

"Sa bahay. May regla daw"

"Jusko nag-inarte nanaman si Laurice! Ibig sabihin wala kang kasama?"

"Wala eh. Samahan moko?" tumingin ako sa kanya at ngumiti siya. Isa sa love ko sa kanya ay hindi niya ako tinatanggihan. Swear! Maski nung Tuesday last week, may dalaw ako at ayoko tumayo kaya nag-favor ako na bilhan ako ng ice cream at binilan niya talaga ako.

"Syempre naman! Oh! Mickey!" Napatingin ako at nakita ko si Mickey na nakangiti

"Hi Zandra or should I call you.. Minnie" napahagikhik ako kasi Minnie ang sinabi ko sa kanyang pangalan

"Call me whatever you want to call me. Sama ka?"

"Where?"

"Cafeteria. Lilibre ako ni Aud. Diba  Aud?" nag-paawa face ako sa kanya at tumango siya kaya nag side hug ako sa kanya sabay bulong ng thank you pero hindi nakaligtas sakin ang pagtaas ng dalawang kilay ni Mickey

"No, I am busy but maybe next time. So...Aud, Minnie, una na ako ha?"

"Byee!" sabay naming sabi ni Aud at nagpunta na sa cafeteria at bumili na nga lasagna at juice at ang kanya ay carbonara.

"Aud, pwede ba akong pumunta sa bahay niyo this weekend?" Tanong ko sa kanya habang kumakain at tinaasan niya ako ng kilay

"Why oh why?"

"Mmm...wala lang pero okay lang kung ayaw mo" sabi ko. Ayoko kasi ng nasa bahay pag umuuwi si papa sa bahay kasi laging may away. Nakakasawa.

"Okie lang girl no. Ako pa ba tatanggi sayo?" napangiti ako sa sinabi niya at niyakap siya

"Thank you! Buti nalang hindi mo natatanggihan ang charms ko" natatawa kong sabi

"Charms ka jan! At oy I can decline if I want pero baka umiyak ka at masisi pa ako no" umirap siya at natawa nalang ako

"Hey!" napatingin ako sa bagong dating. Huh? Sino to?

"Yesh?" maarteng tanong ni Aud

"Why are you sticking up with this poor girl? Like OMG!" napataas ang kilay ko sa kanya. Oops may Bitch!

Bitch alert! Bitch alert!

"Hindi naman ako mahirap no. OA lang." mahinang sabi ko

"I am not over reacting. I'm just stating the fact" ay narinig ni Inday

"The fact is that I am more beautiful than you and I am sexieeeer than you" sabi ko sabay tayo at nag-pamewang at tinaas ang kilay

"Truth! Layas ka na nga Marjorie! Pumapanget kami dahil sa aura mo" natatawang sabi ni Aud

"Pasalamat ka at gwapo ka. Tanginang yan, bading" rinig kong bulong nung Marjorie kaya napakunot ang noo ko. Umupo ako at kumain nalang ulit pero napatigil ng narinig ko yung medyo panlalaking tawa ni Aud

"Ang cute mo bebshiecake!"

"Huh?" Napatingin ako sa kanya bigla at nakangiti siya

"Yan ka nanaman sa pag-pout habang gumagalaw yung lips pero wala namang salitang lumalabas" yung kasi ang ginagawa ko pag nagtatampo, nagseselos, pag galit at kung ano pang negative.

"Kainis kasi minura ka" sabi ko

"Ano bang sabi?"

" Pasalamat ka at gwapo ka. Tanginang yan, bading. Yan yung sabi niya" sabi ko sabay pout at narinig ko nanaman siya tumawa ng konti

"Hindi naman ako yung minura. It's just an expression and the hell! Gwapo daw ako"

"Gwapo ka naman... Well maganda" sabi ko habang ginagawa yung mannerism ko at nagulat ako ng kurutin niya ng konti yung magkabilang pisngi ko habang nakangiti

"So nagagalit ka kasi minura niya ako? Which is hindi naman talaga ako minura" sabi niya at pabulong na yung huli. Tumango ako at mas nagpout

"Kaya lovey kita ehhh ang cutie pieee mooo! Nakakagigil!"sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit

"Aray! H-hindi ako makahinga!" Binitawan niya agad ako sabay sorry

"Grabe lakas mo ah"

"Kagigil ka kasi hahaha. Let's eat na nga mamaya malate nanaman tayo"

Hinatid niya ako sa room at dahil wala nga akong kasabay umuwi ay hinatid niya din ako at medyo tumambay sandali sa bahay para makipagchikahan sa bbf niya ( baklang bestfriend). Nasa kwarto lang ako at sila ay nasa kwarto ni Lau. Naririnig ko nga silang tumawa eh kaso mas busy ako mag-admire sa sarili ko. Gusto ko magclub sa Friday!

Bakla! Be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon