After namin mamili with matching patalbugan with Serena ay umuwi na kami kasi magluluto pa daw si mom.
Nagpresinta ako na tumulong dahil wala naman akong ginagawa tsaka halos lahat ng damit ko, siya ang nagbayad.
"Hija, when is your semestral break?" Biglang tanong ni mom sakin
"Sa 28 po bakit?" Tanong ko habang naghahalo ng sabaw
"Nothing. Just clear your schedules from 29 until the last day of your break" nag-okay ako since alam ko namang wala akong pupuntahan or whatever.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Wednesday na ngayon and examination day na at kagabi ay sobrang sobra yung pag-aaral ko dahil ayokong bumagsak. At dahil 8 am pa ang pasok namin ay eto ako ngayon, lunod na lunod na dahil sa mga librong nakakalat. Sila Lea at Lau ay tulog parin as usual. Hindi nila ako gayahin! Maganda na nga, sexy, matalino na masipag pa!Napaupo ako ng marinig ko yung hilik nung dalawa. Omeee! Pano ako makakapag aral nito! Kinuha ko yung bag ko tapos nilagay lahat ng papers, book, notes at laptop ko sa loob at pumunta sa dining area kung saan ko nakita si Aud na nagaaral din
"Good morning bakla! Muah muah!" Bati ko sabay halik sa cheeks niya
"Morning din." Seryosong sabi niya. Alam kong kailangan niyang mag-aral kasi lagi na siyang absent dahil siya ang umaasikaso ng ibang gawain sa company nila. Umupo ako sa tabi niya. Tumayo ako ulit at pumunta sa room ng maalala ko yung glasses ko. Last month kasi, sabi ng doctor sakin ay I need glasses na kasi lumalabo na ang mga mata ko. HINDI NA AKO MAGPUPUYAT PARA SA VIDEO GAMES!
Pagkakuha ko ay bumalik na ako then nagsimula nang magaral. Syempre suot ko na din yung glasses ko. Ang sarap palang study buddy si Aud kasi matalino kaya natatanungan ko din siya ng mga hindi ko alam at pag siya naman ang may kailangan ay ginagawa ko ang best ko para masagot ko. Dahil masyado kaming absorbed sa ginagawa namin ay hindi na namin napansin na gising na sila mom at nakapagluto na siya kundi niya lang kami tinawag para ligpitin yung mga gamit namin kasi kakain na daw.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Six palang pero nakauniform na ako at tapos nang maligo. Umuulan ngayong araw at kinabwiset ko to kasi ibig sabihin mas malamig sa room namin mamaya kaya may chance na antukin ako. Nagsuot ako ng medyo makapal na sweater para hindi ko maramdaman ang lamig. Nag low twin tail ako at brinaid at nag bonnet. Kung alam niyo lang kung gaano kasensitive ang skin ko sa lamig! Nilagay ko na ang dalawang books ko then notes and laptop at nilagay sa sling bag na brown then sinuot ang glasses ko saka tinignan ang sexy nerd look ko sa salamin. Ang ganda mo Zandra kahit ano ang suot mo!Bumaba na ako at nagulat nga ako kasi lahat sila ay kumakain palang
"Hija ang aga pa ah!" Sabi ni mom.
"Magaaral pa po kasi ako kaya maaga po ako papasok" sagot ko.
"Be inspired much?" Sabi ni Lea
"So much inspired" dagdag naman ni Lau
"Drei! You too?" Sabi bigla ni ipis at nakita kong katabi ko si Aud na naka same attire din pero walang bonnet at hindi naka braid! Hahaha
"Ma alis na ako. Le'go!" Parang si Dorang sabi niya kaya napatawa ako. Nagpaalam na muna kami bago umalis.
Habang nasa biyahe ay nag-aaral pa din ako at nararamdaman ko naman yung pasilip na mga tingin ni Aud
"Ang ganda ko no?" Sabi ko at alam kong nakasmirk siya ngayon. The sexy smirk hahah
"Geek ka na pala ngayon. Since when?"
"Since yesterday so shut up ka muna" sabi ko na busy sa kakaaral ng math. First day na first day ng exam, math talaga ang inuna
"Awts ah! Hindi mo ko like kausapin" tinignan ko siya at nakita ko siyang nakapout
"Like ko bebshiecake and as much as I love you, I can't dahil yung grades ko parang naglalandslide!" Natatawang sabi ko
Katahimikan...
Buti nam-
"Love mo ko?" Napatingin ako sa kanya and the look on her face made me want the ground to eat me alive. Oy English yun!
Napaubo ako ng konti then napapout
"Bakit ako hindi mo love?" Tanong ko
Katahimikan...
"Jonti lang" sabi niya sabay harap sa dinadaanan
"Grabe naman! Oh siya! Maya na dahil busy ako" buti nga at dalawa lang exam namin ngayon pero three days ang exam.
***
DEDICATED TO ATE PoetressRaven! Hahaha eto na yung hiling mo bebegirl
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Teen FictionAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...