Nag-lunch na kami at hindi pa dumadating si Aud at eto kami ngayon, nasa kwarto habang nag-chichika at grabe hindi pa pala ako naliligo pero okay lang kasi mabango at maganda parin ako.
Nag-text sakin yung iba naming classmates na may gagawin dawng project tomorrow sa bahay ni Luca, class president namin.
"Hayyy project nanaman" sabi ko at humilata. Tinignan ko ang oras at 4 na at etong dalawa mag-be-beauty nap lang daw muna kaya bumaba muna ako at hinanap si mom
"Oh hija! You want to help me cook?" tanong niya
"Nagluluto po kayo?"
"Oo naman. Housewife ako eh." Tinulungan ko siyang magluto ng beef caldereta, sweet and sour meatballs at lumpiang shanghai. Mag-si-six na ng matapos kami kaya hinanda na pero nag-excuse muna ako kasi wala pa pala akong ligo.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
After ko maligo ay nagsuot ako ng shorts and v-neck shirt saka nag-ayos ng konti. Ginising ko na din yung dalawang may contest sa pag-hilik. Buti nalang hindi ako nagigising sa mga hilik nila. After nila mag-ayos ng konti ay bumaba na kami . Pumunta yung dalawa sa kusina at ako naman sa bakuran nila. May nakita akong golden retreiver at sumipol ako habang nakaupo. Lumapit eto sakin at nag-lambing. Ang cuteeeee! Hinawak-hawakan ko lang ito at kinausap kah it na hindi naman nag-rereply hahahaPumasok na ako after nun at nag-hugas ng kamay. Pumunta ako sa sala at nakita ko silang nag-uusap
"San ka galing hija?" tanong sakin ni mom
"Nakipaglaro po sa aso" sagot ko sabay upo sa tabi niya
"Kay Lindsay? Kalain mo nakipaglaro yun? Ang taray kaya nun samin" sabi ni Lea
"Cute daw kasi ako like her" sabi ko at natawa si mom habang yung dalawa ay bumusangot
"We're homeeee!" napatayo kami at sinalubong ni mom si Aud at yung isang matandang lalaki which is yung asawa ni mom.
"Bakla anyare sa iye? You looked worn out" sabi ni Lau
"Ikaw kaya mag-asikaso sa opisina" pairap na sabi ni Aud
"Oh, may mga bisita pala tayo" tumaas ang mga balahibo ko ng marinig ko yung boses nung papa ni Aud. Nakakatakot😱
"Hon. Kilala mo naman sila Lau and Lea diba? Ito naman si Zandra, pinsan nila"
"Hello po tito!" sabay na bati nung dalawa. Lumapit ako at nag-mano
"Nice meeting you po!" nakangiti kong sabi
"Magalang na bata. Ako si Grant, call me dad" nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya at lalo na nung ngumiti.
"Be ang lakas ng charms mo!" bulong sakin ni Lea
"Kain na tayo! Tinulungan ako ni Zandra sa pag-luluto" sabi ni mom at inasikaso ang asawa.
"Lakas ng charms mo girl" sabi ni Aud sakin. Bineso ko siya at hinila ang braso
"Ang cute at ang ganda ko kaya. Kaya syempre I'm irresistable" nakangisi kong sabi
"Ang hangin, girl" natatawang sabi niya
Kumain na kami pero hindi nag-usap usap kasi ayaw daw yun ng papa ni Aud kaya ang boring pero ang sarap ng food kaya dinedma ko nalang.
After nun ay niligpit na ng mga katulong yung mga pinagkainan at kami naman ay dumiretso na sa kwarto since mag-papahinga na daw sila mom and dad. Taray akala mo in-laws or parents ko no? Haha I feel so welcomed and loved. Bumaba muna ako para kumuha ng tubig pero nagulat ako ng makita ko si Aud na nakasando at pajamas habang nagkakalkal ng ref. Lumakad ako ng tahimik at niyakap siya sa likod
"Ay pating!" natawa ako at sumilip sa gilid niya habang nakayakap pa din
"Sa ganda kong to, pating?"sabi ko
"Gaga ginulat mo ako"sabi niya sabay kalas sa yakap ko. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig at sumampa sa isang bar stool.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay
"Malamang sa malamang bahay ko to. Bakit wala na ba akong karapatan?" Tanong niya
"I mean bakit nandito ka sa kusina? Gabing gabi na kaya"sabi ko
"Ilalagay ko sana tong cream tart eh" biglang kuminang ang mga mata ko ng makita ko yun
"Binili mo para sakin?" tanong ko
"Oo at hindi. Wow para sayo lang? Syempre hati tayo" sabi niya habang kumukuha ng tinidor at lumapit sakin bitbit ang tart
"Woooooow salamaaaaat!" Sabi ko sabay kiss sa cheeks niya
"You're welcome bakla" sabi niya at kumain na kami. Napamoan ako sa sarap .
"Omg! Best. Cream. Tart. Ever" sabi ko nalang at tumawa siya ng konti
"Syempre ako pa hahaha." kumain lang kami ng kumain at ungol ako ng ungol. Parang ang bantos pakinggan. Let me rephrase that. Napapamoan talaga ako bawat subo ko ng tart. Ang yummy!
"Anong kababalaghan ang meron jan?" napatingin kami sa bukanan at nakita si Lea
"Gusto mo ng tart?" aya ko
"No thanks. Hala kaaaaa tataba ka nanaman! Ang bilis mo pa naman tumaba hahahaha!" sabi niya habang nag-lalakad papalayo. Oo nga no
"Okay lang yun. Worth it naman!" Sabi ko
"Breakfast nalang natin to tomorrow. Hindi tayo matutunawan" sabi niya sabay ligpit. Ninanamnam ko pa ehh
"Girl, wag masyadong mag-pout at mamaya maging bibe ka hahaha"
"Ayoko pa matulog eh... Kwentuhan tayo you want?"
"Keri lang pero dun tayo sa sala" inalalayan niya ako sa pagbaba ng stool at pumunta kami dun sa sala nila.
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Novela JuvenilAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...