Isang buwan na ang nakalilipas simula ng makapunta ako sa kanila mom. Nakakalungkot nga eh kasi kahit papaano ay namiss ko din sila. Si Aud naman ay mas nagiging busy siya sa opisina nila kaya minsan nalang din kami magkita. Hindi ko naman alam ang number niya kaya hindi ko siya matext at matawagan. Eh dahil every end of the week automatic na nadedelete ang messages sa phone ko at hindi ko talaga nasave ang number niya, ayun nganga.
Last week naman ay umalis yung dalawa kong pinsan kasama si tita Mon kasi dumating ang asawa ni tita Mon at nag-stay muna sa hotel kasi hindi bati sila mama at tito Boy, yung papa nila Lau at Lea. Pero okay lang kasi babalik na sila ngayong araw at dahil Friday ngayon ay dapat magka-club kami pero may thesis akong gagawin. Saklap ng life 😭
"Pinsan andito na usssss!!" Rinig kong sigaw ni Lau at on cue, bumukas ang pintuan at niluwal ang dalawa
"Mga baklaaa!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila. Nagyakapan kami at nagtilian
"Hahahaha! Ang ingay niyo!" Natatawang sita nila mama
"Sarreh!"sabay-sabay na sigaw namin.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
"Minnieee!" Napatalikod ako ng may tumawag sakin. Well, isa lang naman ang tumatawag sakin ng Minnie"Oy, Mickey! Nikko, Gab, Lance, musta?" Casual na tanong ko. Sila na din kasi ang nakakasama ko ng hindi pumapasok si Aud. Nakakamiss nga siya eh
"Okay lang pogi pa din" sabay-sabay at naka-ngiting aso na sagot nila. Grabe ang hangin!
"Oy Laurice, Leandra, tagal nating hindi nagkita ah" sabi ni Nikko
"Eh of course, we went to a place where nobody knows" humahagikhik na sagot ni Lau at nag-roll eyes lang si Lea
"Landi talaga" bulong ni Lea sabay hagit sakin
"Halika na. Iwanan na natin yung baklang kapatid ko. Ayaw naman niya ata makita si Aud" sabi ni Lea sakin
"Uuwi na si Aud?/ Uuwi na si bbf?" Sabay na tanong namin ni Lau
"Oh yes! Nagtext sakin si Tita tapos ang sabi niya ay susunduin niya tayo dito if gusto nating sumama sa pagsundo kay Aud" pag-explain ni Lea habang hinahatak ako palabas ng school
"Eh may pasok tayo ah" sabi ko
"Wow kelan ka pa ba nagka-interes sa pag-aaral. Tsaka okay lang kung maiwan ka. Parang ayaw mo naman makita yung sister mo" sabi ni Lea at binitawan ako sabay higit sa kapatid niya
"Ehhh!" Sabi ko nalang at sumunod sa kanila. Pagkalabas ng building ay may kotseng nakaparada at nakaroll down yung window kaya nakikita kung sino ang nasa loob
"Hello,hija!" Bati sakin ni mom
"Hi po, mom, dad" nakangiti kong bati at kumaway sa kanila. Ang daming nakatingin samin at parang pinag-uusapan na kami
"Halina kayo mga children!" Sabi ni mom kaya pumasok na kami sa loob. Black na SUV yung dala at si dad yung nasa shotgun tapos kaming apat ay nasa likod.
"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko kay mom
"Sa airport, hija. Galing kasi sa isang business trip para asikasuhin ang business sa Singapore, eh ang dad mo, masama ang pakiramdam kaya si Drei nalang. Tsaka para masanay na rin siya" napatango-tango nalang ako habang nag-eexplain si mom.
"Dad, okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya
"Okay lang ako, hija. Nothing to be worried about" sabi ni tito na nakangiti ng tipid.
❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇
Hinihintay namin ngayon ang pag-uwi ni Aud galing Singapore and syempre nalibre kami ng Starbucks."Ayan na si Drei" sabi ni mom. Sinalubong nila mom and dad si Aud. Naka-business attire siya kaya mukha siyang lalaking-lalaki at mukha talagang foreigner
Nag-gesture sa amin sila mom na lumapit kaya lumapit kami. Tumakbo si Lau at bineso with matching yakap si Aud at ganun din ang ginawa ni Lea. Nang makalapit ako ay nginitian ko siya with matching dimples
"Welcome back, bakla! Namiss kita ng super" sabi ko
"Awww! Namiss din kita don't worry!" Sabi ni Aud saka niyakap ako
"May pasalubong ako?"sumilip ako mula sa kili-kili niya at nakangiti siya
"May binilin ka ba?" Tanong niya at nag-pout ako
"Oh, tama na yan at mamaya iba na yan" sabi ni Lau
"Anong iba?" Sabay na tanong namin ni Aud
"Wala. Wala" humahagikhik na sagot ni Lau. Sila mom and dad ay tumatawa ng mahina samantalang si Lea ay binatukan ang haliparot na kapatid
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Novela JuvenilAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...