Maaga kami nagising ni Aud, mga 6:30 tapos bumaba na kami. Tamang tama kasi nakahanda na yung breakfast at si mom ay kakalapag lang ng pitchel ng juice
"Good morning mom" bati ko. Napatingin si mom samin at ngumiti bago bumati. Nang makalapit na kami ni Aud kay mom, binati siya ni Aud at nagbeso
"Mudra... I want to ispluk something about sa sinetup ninyo ni pudrakels" sabi ni Aud.
"About?"
"Ehhh...." tinignan ko si Aud at parang nagaalangan siya
"Mom, dapat po ba talagang ipadate po tong si Aud sa girl?" tanong ko kay tita
"Actually hindi pero kasi yung anak niya ay nbsb and never nakapag date kasi nga mapili. They came from a Chinese family and may kasunduan ang family nila sa other Chinese family na ipapakasal yung mga anak nila. Buti nga pumayag daw na hindi sila ipapakasal hanggang sa hindi pa sila nakakapagtapos ng college. Though formally na sila magiging magfiance this coming birthday ng mama nung kabilang family. "pageexplain ni tita
" Eh ma naman! Gagawin mo pa akong kabit eh!Okay sana kung kabet ni guy pero kay girl? Ayawness!"nagdadabog na sabi ni Aud. Ang laswa niya tignan hahaha. Ang laki laki tapos nagadabog na parang batang babae
" Tigilan mo ako Drei. We already told you kagabi na date lang naman. Para naman masanay si Elisse sa company ng ibang lalaki at medyo mabawasan ang pagiging mahiyain
" Eh ma naman! First, I'm a GIRL! G-I-R-L at hindi otoko! And pake ko kung masyado siyang mahiyain? Ako din naman mahiyain ah" natawa naman ako bigla sa sinabi ni Aud
"HAHAHHA!Mahiyain? Nananaginip ka ba ng gising Aud? Ang layo mo sa pagiging mahiyain ah" sabi ko. Well, mahiyain naman talaga siya pero hindi naman ganun ka mahiyain. It's more like namimili ng kaibigan, hindi mahiyain. Mas gusto niyang siya ang inaapproach at hindi siya yung nag approach.
"Sampalin kita you want?" pagbabanta niya sakin kaya napapout ako. Tinakpan naman niya yung mukha ko gamit yung palad niya
"How about this.." simula ni mom kaya tinanggal na ni Aud yung kamay niya sa mukha ko at tumingin kay mom. Ganun din ang ginawa ko. Feeler ako eh hahaha
Pero maganda parin mwahahaha
"Sa summer, I will let you all go to Maldives.All expenses will be paid by me and Greg." pagkasabi ni mom nun ay napanganga kami ni Aud. INDAAAAY DREAM VACATION NG LAHAT NG BABAE YUUUUN!OR LALAKI... OR BAKLA... BASTA UWAAAAAH
Napatingin ako kay Aud tapos nagiisip pa siya kaya nagimagine muna ako na nasa Maldives. Alam ko naman kahit papano ang itsura nun kasi ang dami kong pictures nun sa phone. Uwaaah. Iniisip ko pa nga lang na makakasakay ako sa eroplano, masaya nako eh hahaha
Nastop yung pag de-daydream ko ng marinig kong bumuntonghininga si Aud
"Deal"
___
"Seryoso ka Aud? Pano na yung pagkababae mo?" tanong ko habang nakaupo kami sa kama niya. Hindi niya ako sinagot pero nagkibit balikat lang siya. Narinig namin na tinawag kami ni mom dahil kakain na daw at syempre narinig din namin yung usual kalabog ng dalawa kong pinsan pag naririnig na kakain na kaya bumaba na kami at kumain."Ay Aud. Nakit mo ba yung damit ko? Nasa sahig lang yun kagabi eh" tanong ko habang kumakain. Naguusap usap silang lahat at syempre ang kausap ko lang ay yung matino(kausap kasi ni mom yung dalawa kong pinsan haha)
"Nilaban ko na kanina, pagkagising ko" sabi niya at sumubo ng itlog. Napahinto tuloy ako sa pagkagat ng hotdog at napatingin sa kanya
"Bakit mo nilaban? Sabi ko wag mo nang pakielamanan at ako na yung bahala eh... Tsaka wala akong maususot paguwi" sabi ko
BINABASA MO ANG
Bakla! Be mine?
Teen FictionAng pag-ibig ay walang pattern, walang direksyon at walang pasabing dadating sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang klase ng pag-ibig: pampamilya, pangkaibigan, pangewan at etc. Ako si Zandra Castillo, nagmamahal dahil mapagmahal. Nakaranas ng sakit...