PROLOGUE

1K 10 0
                                    

3 years ago..

"Tama na kira.. ayokong saktan ka, mahalaga ka din kay zach pero.. di nya masusuklian yung damdamin mo para sa kanya, tigilan na natin to"- paliwanag ko sa kanya.

"No!"- tinutok nya yung baril samin.

"Tama na please.. di matutuwa si keana pag nalaman nya to".

"S-si ate..".

"Oo. ang ate mo, di sya matutuwa pag nalaman nya 'to".

"Pero.. si zach lang naman ang gusto ko, maganda naman ako, mayaman. bakit zach? bakit si inah pa? bakit di na lang ako?"-  napaluhod sya, nakahinga ko ng maluwag ng bitawan nya yung baril, nagsimula na din syang umiiyak .

"Zach ako na lang please..wag na si inah.. ako na lang ang mahalin mo.."- para syang batang humihikbi.

"Tama na kira.. lalo ka lang di magugustuhan ni zach sa ginagawa mo, pare pareho man tayong maldita maganda at mayaman.. si zach pa din ang mamimili, at si inah ang pinili nya. Kahit patayin natin si inah ng paulit ulit kung di naman natin mapapatay ang pag ibig ni zach para sa kanya, talo pa din tayo at luhaan sa dulo. kaya moved on din pag may time kira"- mahabang paliwanag ni chelsea.

"Tapos ka na ba?"- biglang sabi ni kira.

"Ha?"- lahat kami napatingin sa kanya.

"Ikaw talo na.. pero ako hindi pa!, kailangan mong mawala inah arrellano!"- bigla na lang sya tumakbo, at papunta sya sakin!

Feeling ko na freeze yung buo kong katawan, di ako makakilos. Bigla na lang may tumulak sakin mula sa gilid ko.

Narinig ko na lang yung pagsigaw ni kira nakaupo na sya sa gilid ng bangin.

"Zach!!"- sigaw nya.

Halos magkandarapa ako para makalapit kay kira, nakatulala lang sya habang umiiyak .

"ZACH!! ASAN SI ZACH!? ASAN SI ZACH KIRA!?- niyugyog ko yung magkabilang balikat nya.

"NAPATAY KO SI ZACH, INAH. ANONG NAGAWA KO..".

Napasilip na din ako sa bangin kung san nalaglag si zach, dagat yon pero sa gilid may matutulis na bato.

"Tulong!! tulungan nyo si zach! chelsea! rain! humingi kayo ng tulong"- hysterical kong sigaw.

"Huminahon ka inah!"- awat sakin ni chelsea.

"Andyan na ko zach, susunod ako kahit san ka man pumunta. kahit pa sa langit".

Nagulat na lang kami sa sunod nyang ginawa, lumundag sya sa bangin.

"Kira!!!".

Sinubukan kong habulin yung kamay nya pero nabigo ako, nakita ko pang tumama sya sa mga batuhan bago tuluyang bumagsak sa dagat.

"Kira.. bakit..".

"Inah, anak"- napalingon ako sa humawak sa balikat ko. si dad. kasama na din nya sila aaron.

"Dad..".

"Anak, anong nangyari? asan si zach?".

Hindi ko na nagawang sagutin si dad, nanghihina na ko. ala na kong maintindihan sa paligid ko pero isa lang ang napakalinaw sa isip ko..

HINDI KO NALIGTAS SI ZACH AT SI KIRA..

ALA NA SI ZACH..

The Bodyguard (part1)
story by : ailab_purple

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon