Zach La'vine
Maaga pa lang nasa harap na ko ng gate nila, nakakalokong tinanggihan nya ko sa libreng tulong na inaalok ko. pero ang mas nakakaloko.
Nag post sya ng napakaraming ads sa social media na kailangan nya ng bodyguard! Anak ng teteng! Nag iisip ba sya!?
Hindi naman sa nangingialam, pero pano kung di pala mapagkakatiwalaan yung makuha nya? pano kung ang balak pala nito eh gawan sya ng masama at di ang protektahan sya?
Nagdadalawang isip ako kung magdo- doorbell na ko, hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam habang nakatingin ako sa bahay nya. para bang nakapasok na ko don dati pa.
Hanggang mapag desisyunan ko na ngang mag doorbell na, ilang saglit lang may bumungad na babaeng blondie na naka ponytail at may suot na apron na pink. tantsa ko, ilang taon lang ang tanda ko sa kanya.
Automatic akong napangiti sa paraan ng pagtitig nya sakin, tinignan nya talaga ko from head to toe.
"Good morning. mag a- apply akong bodyguard"- nakangiti kong bati sa kanya.
"Sorry di ka qualified"- biglang sabi nya na nagpanganga sakin.
"Ha?".
"Branded na damit, makinis na kutis, di ka pwede".
"At bakit di pwede?"- sabat ng babaeng bigla na lang sumulpot sa likuran nya. naka apron din syang pink at blondie rin pero nakalugay naman.
"Mayaman sya! tama ako di ba?"- straight eye na tanong nya sakin.
"Ah- eh..
"Eh ano kung mayaman sya?".
"Bodyguard ang kailangan ni señorita, hindi business partner!".
"Eh sa gusto nyang mag apply eh! alang basagan ng trip!".
"Alang basagan ng trip? o trip mo sya dahil gwapo sya!?"- nagsimula silang magbangayan.
"Ala kang paki! lika kuya tuloy po. nasa loob na yung ibang aplikante"- nakangiti nyang akay sakin.
"Ok sige".
"Teka!"- hila sakin ni blondie'ng naka ponytail.
"Ano ba! bitiw ka nga!".
"Di sya qualified!".
"Di ka naman si señorita! bigyan mo sya ng chance!".
"Di nga sabi!".
"S-sandali!".
Pinaghilahan nila ko na halos maputol na yung magkabila kong braso.
"Hoy anong kaguluhan yan!".
"Ms.Mae!"- duet nila sabay bitaw sakin
"Ano na namang pinag aawayan nyo!? naturingan kayong kambal di naman kayo magkasundo!".
"Si Hyoyeon po ms.mae! ayaw nyang papasukin si kuya! mag aaply lang naman sya!".
"Pinaninindigan ko lang naman po ms.mae yung policy nating "No Rich Maid Allowed" mukang mayaman naman talaga si kuya!".
"Tabi nga kayo! kalook a like ba nya si Lee Min Ho para pag awayan nyo!? ay kaloka!"- hawi nya sa dalawa.
"Hi mae!"- alangan kong kaway sa kanya.
"P-Poging zach!?".
After ng ilang minuto ring pakikipag kwentuhan nya sakin sa wakas bumalik na yung usapan sa balak kong pag apply na bodyguard.
"Sorry zach pero di ka talaga qualified".
"Bakit?".
"Dahil nga mayaman ka"- sabat ni Heohyun.

BINABASA MO ANG
MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]
RomansaIs this happily ever after? Or may pa part 3 pa si ailab_purple? 😂