Chapter 32: Rain.

112 4 0
                                    

Zach La'vine

"Whaahh! Zombie!".

"Ha!? T-teka! Di ah!".

"Pero bakit ang gwapo mo pa rin kung zombie ka na? Dapat dry skin ka na pero dry pa ata yung skin ko sayo"- pinagtabi nya yung braso namin.

"Hindi nga kasi ko zombie! Huminahon ka muna ok?"- hawak ko sa braso nya.

"Nanay kooo! Ayaw ko pang mamatay! Bitawan mo ko!".

"What!? Sandali nga! Huwag kang magulo malapit ka na sa bangin".

"T-teka lang- O-Omo! Totoo pala ang news!".

"Ha!?".

"Totoo ang news na may part 2 ang train to busan!".

"Ano!?".

"Si Lee Min Ho nga ang bida! Oh my gosh! Hindi sya fake news! Si Song Jong Ki kaya cast din?".

"Sandali nga! Ano bang sinasabi mo!?".

"Teka shhssh.. Tatawagan ko lang si keana at mae, kailangang malaman nila to!"- nag dial sya. Napakamot na lang ako.

"Uy keana! Confirm! May part 2 ang train to busan!/ Oo! Si Lee Min Ho ang bida!/ totoo nga! Kaharap ko nga sya ngayon!/ Si Lee Min Ho!/ Ha!? Teka"- nagulat ako ng kurutin nya ko sa pisngi.

"Aray!".

"Oh narinig mo? Totoo nga sya! Ala ako sa korea noh! bakit?/ Oo nga noh!?"- napatitig sya sakin.

"H-hindi pwede to.. S-sige bye, update kita mamaya"- tsaka nya in- off yung phone. Napakunot noo ko kasi nanatili syang nakatitig sakin.

"Bakit?".

"P-poging zach? I-ikaw ba yan?".

"Ha? Ah- Oo! Ako nga to. Kanina ko pa nga sinasabi di ba!?".

"Hindi ka si Lee Min Ho? Pwede mo bang i- point yung daliri ko?"- tinuro nya yung daliri nya sakin kaya tinuro ko din yung daliri ko gaya ng hiniling nya. Kinalabasan. E.T.

"Whaaah!! Zombie!".

"Anong zombie!? Alien kamo! T-Teka! Hindi nga ako zombie! Hindi ako alien! at lalong hindi ako si Lee Min Ho. I'm Zach La'vine, do I know you?"- nanlaki yung mata nya.

"Zach La'vine? Basketball player?".

"Hindi!".

"High-tech na talagang mga zombie ngayon, mabibilis ng tumakbo, sanay pang mag English!".

Napahawak na lang ako sa noo ko, malamang magkaibigan nga sila ni mae. Hinding Hindi nagkakalayo yung pag iisip nila. Nakakasakit ng ulo.

"Please. Kausapin mo ko ng maayos, may mga bagay akong di maalala and I think isa ka sa makakatulong sakin".

"Ha? May amnesia ka?".

"Something like that so please tell me, sino ka ba? Ano role mo sa buhay ko? Anong alam mo tungkol sakin?"- saglit syang natahimik.

"A-ako si rain, chimimay ako ni ms.inah dati, at ang alam ko sa inyo, may relasyon kayo. Girlfriend mo sya at boyfriend ka nya".

Inilahad nya lahat ng alam nya sakin, halos kagaya din ng sinabi sakin ni inah at aaron. Ang kaibahan lang, nasa side sya ng kaaway, kay kira.

Pinag planuhan daw nila ang pagkidnap kay inah, pero di daw nya alam na may balak pala si kira na pumatay.

May rason naman daw sya kung bakit tumulong sya kay kira, dahil to sa pagka- frame up ng ama nya na si kira din pala ang may gawa.

Nakulong ang ama nya na pinagbintangang magnanakaw, ala syang malapitan at gipit din sya ng panahong yon kaya tinanggap nya ang tulong mula kay kira kapalit ng pakikipag tulungan nya dito.

"Nagsisisi talaga ko sa nagawa ko, lalo na't may mga taong napahamak. Pakiramdam ko mamamatay tao ako. Sorry poging zach"- naiiyak nyang sabi.

Nakabalik na kami sa resort, sa sweet resto kami dumirecho para don makapag usap.

"It's ok, ramdam kong di mo ginusto yung nangyari".

"Salamat. Ang bait mo talaga, napaka swerte ni ms.inah sayo"- ngumiti ako.

"Para sayo to"- abot nya sa isang black na paper bag.

"Ano to?".

"Lagi akong nagdadala nyan pag pumupunta ko dito, masaya ko kasi personal ko ng naabot sayo"- napakunot noo ko tsaka binuksan yon.

Laking gulat ko ng makita yung laman non. Anak ng teteng! Bulaklak ng patay!

"Lagi ko kayong binibili ni kira, tag isa kayo lagi pero mas maganda yung pinipili ko para sayo"- nakangiti nyang sabi. Napakamot na lang ako, di ko na alam kung ano pang masasabi ko.

"Nagustuhan mo ba?".

"Ah eh.. Ok lang. Nag abala ka pa".

"Sayang last na yan, buhay ka pa kasi".

"Anak ng teteng, nanghinayang pa ata sya na buhay ako".

"May discounted coupon kasi ko, kaya pag gusto mo pagdadala pa din kita".

"Ha? Huwag na!".

"Ok lang naman-

"Ok na ko rain, salamat".

"Eh.. Sige. nga pala, may bagay pa pala kong kailangang sabihin sayo".

"Ano yon?".

"Nahihiya talaga ko sa nalaman ko. na may koneksyon pala kami, na doble pa tuloy yung konsensya ko".

"Ha? Bakit? Ano ba yon?".

"Poging zach malamang isa din sya sa mga nakalimutan mo pero isa sya sa mga dapat mong alalahanin".

"Sino?".

"Si Teban. Ang kuya ko..".

Nagpaalam na din sya sakin after, bago sya umalis sinabihan nya kong mag ingat kay teban.

Kasama daw sya sa mga inupahang tauhan ni kira, nakakulong sya ngayon pero hindi daw ako kailangang magpaka- panatag dahil anytime pwede syang makalaya at gumanti.

Bumalik na din ako sa kwarto namin after namin maghiwalay ni rain. Masaya kong sinalubong ni andi tsaka nya ko tinanong kung anong ginawa ko.

Sinabi kong may pinuntahan akong mga lugar, pero di ko sinabi kung anong talagang ginawa ko. Hindi na naman sya ganong nagtanong kaya nakampante ko.

Nagluto na sya ng pasta kaya di na kami lumabas para kumain, napangiti ako habang kumakain.

Napaka daldal nya ngayon, at di nawawala yung ngiti nya habang nagkwekwento kung anong pinagdaaanan nya habang mag isa.

Nagkailang pasta daw sya bago ma- perfect yung pagluluto, hindi kasi talaga magaling sa pagluluto si andi. Maikli din ang pasensya nya pagdating sa bagay na to kaya natutuwa ako na nag effort pa talaga sya para lang ipagluto ako.

Pareho kaming napatingin sa phone ko ng tumunog yon, dinampot ko agad yon at binasa kung sinong nagtext, hantik ko nang mabuga yung fruit juice sa text nya.

From; Inah

HOY ZACH LA'VINE! ANONG ORAS NA! BAKA NAMAN MAY BALAK KANG MAG TEXT! MAGA NA ANG EYEBALLS KO KAHIHINTAY SAYO! DI MO BA ALAM NA NAG AALALA KO!?

PS: ANAK KA NG TOKWA OH!".

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon