Chapter 41: Devin Hokage Moves.

116 3 0
                                    

Rain

Naputol yung pag iisip ko ng kalabitin ako nang tatlong dalagita. Ang gaganda nila at mukang mayayaman.

"Bakit? May kailangan kayo?"- friendly kong tanong sa kanila.

"Kanina ka pa kasi namin tinitignan ate, mukang ang lalim ng iniisip mo".

"Ha!? Nako Malulunod na ba ko? Buti na lang pala kinalabit nyo ko. Kundi baka nalunod ako. Salamat"- nagkatinginan sila sabay tawa.

"Ate. Are you insane!?".

"Ha?".

"Mabuti pa gawin na natin girls! Baka kulang lang talaga sa almusal si ate!".

"Tama! Ate. Dyan ka lang ha!".

"Ok"- nakangiti ko silang nasundan ng tingin. At least malilibang ako habang naghihintay kay Mr. Devin. Ay. Kay devin pala.

Pagbalik nila may dala silang basket ng pagkain.

"Magpi picnic ba sila? At isasali nila ko? Ang babait naman pala nila!".

Lalapit pa lang ako ng bigla nila kong batuhin ng sandwich.

"Nako! Wag! Sayang!"- pinulot ko yung tinapay tsaka pinagpag.

"Eto-

"Wag ka lalapit!".

"Ha? P-pero".

"Girls! Attack!".

Nagulat ako ng pagtulungan nila kong pagpupukulin ng iba't ibang klase ng sandwiches. Sayang!

"Teka!"- pigil ko sa kanila habang isa isang pinupulot yung sandwich.

Nahihilo na ko kapupulot kaya niyakap ko na lang silang tatlo, ang kukulit kasi nila eh! Yan tuloy pati sila may mustard at cheese na sa damit.

"Eww! Bitawan mo kami!".

"Tigilan nyo munang pagsasayang ng pagkain! Di nyo ba alam na maraming nagugutom sa mundo!?".

"Ala kaming pake!".

"Abat! Gusto nyo ba ng palo!?".

"What!?".

"Eto! Palo lang siguro kailangan nyo!"- pinagpapalo ko sila sa pwet tsaka ko sila pinawalan. Pinagpawisan ako grabe! Halos magkakasinglaki na kami pero ang iisip bata pa nila

Ang sasama ng tingin nila sakin bago ako balaan na babalik sila. Tsaka na sila nagtatakbo. Napakamot na lang ako ng makita yung nagkalat na sandwiches sa lupa. Isa isa ko yon pinagbabalik sa basket.

"Mga pasaway, di ba nila alam na ang hirap kumita para makabili ng pagkain? Tapos sila sinasayang lang tong mga tinapay! Grabe sila!".

"Rain"- gulat akong napatayo.

"Mr. Devin!".

"Devin"- pagtatama nya.

"Devin pala".

"Ano bang itsura mo? Bat ka nagkaganyan? Tumayo ka nga"- alalay nya sakin.

"Eh.. Kasi may mga dalagita kanina, pinamukol nila yang mga sandwich sakin".

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon