CHAPTER 3: We're Trap!

286 3 0
                                    

Inah Arrellano

Omo! what happen? nung nagkita kami sa america tanging nasabi nya lang sakin "Do i know you?". tapos ngayon halos magkandarapa ako sa paghila nya sakin. porket hinuli nya yung snatcher at binalik ang bag ko? may "k" na ba syang hilahin ako ng ganon ganon lang?

"How dare you!? bakit mo ko hinila? ha!"- sigaw ko sa kanya.

"Ikaw!?"- napakunot noo ko. [bakit? di ba nya alam na hinila nya ko?]

"Anak ka ng tokwa ha! painosente ka pa! lakas ng loob mo!".

Bulong ko. Nilapit ko'y mukha ko sa mukha nya, habang nakataas yung perfect kong kilay.

"Oo! ako to! si inah! ako yung hinila mo!".

Nakatitig lang sya sa mga mata ko. napalulon tuloy ako.

"Ano ba! atras! tsu! tsu! bakit dati pag pinanlalakihan na kita ng mata napapaatras ka agad?".

Dinagdagan ko pa yung kalakihan ng mata ko pero wah- effect talaga! hindi manlang sya natinag. anak ng tokwa! napaatras tuloy ako.

"Aish! sige uuwi na ko! salamat sa pagbalik ng bag ko, actually kwitch na tayo. kinaladkad mo kasi ko!"- hinila ko yung pinto. natigilan ako kasi.. ayaw bumukas!

"Oh ano? kala ko ba uuwi ka na?"- tanong nya sakin.

"Oo uuwi na ko! maghintay ka pwede?"- hinila ko ulit yung pinto. pero ayaw talaga bumukas.

"Ano ba! bumukas ka!".

Pinagyuyugyog ko na yung pinto pero nahilo na ko't lahat di pa din sya bumukas.

"Sarado ba?"- tanong ulit nya, nasa likuran ko lang sya. nakasandal sa mga kahon. hinarap ko sya sabay pamewang.

"Mr.La'vine. halata namang sarado di ba? magtitiis ba kong kasama ka dito kung bukas yung pinto!?".

"Ahh.. hayaan mo na"- nanlaki yung mata ko sa sinabi nya.

"Hayaan? haha! ano to joke!? hayaan ko na? na ma-trap dito kasama ka?".

Natigilan ako.

"A-ano? k-kasama sya? s-si zach!? ang EX- Boyfriend ko na binaon na ko sa limot!? No! di magandang joke to!".".

"Manong buksan nyo to! open this! please!"- sigaw ko. pinagkakalampag ko yung pinto.

"Buksan nyo to! may tao po dito!"- patuloy kong sigaw habang patuloy na kinakalampag yung pinto.

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon