CHAPTER 9 : BODYGUARD. For "Free".

168 5 0
                                    

inah arrellano

"Zombie!?".

"O-opo señorita! señorita ayaw ko pong maging zombie!".

"Lalo naman ako noh! sayang ang ganda ko!".

"Kawawa naman po ang pamilya ko kung makakain ako".

"Kawawa din sila daddy kung makakain din ako".

"May ziyah na naman sila, makakalimutan ka nila agad ako po only child lang".

"Anong ibig mong sabihin don, ha?".

"May kapalit ka na po pag namatay ka".

"What!? Hoy Mae chan sumusobra ka na ha!".

"Ikaw na magbukas señorita please"- tulak nya sakin.

"Abat-

"Ang lakas ng loob ng chimimay na to porket na promote bilang bagong mayordoma kung itulak ako ganon ganon na lang!? at ako pang gustong ipain anak ng tokwa!".

Si chimimay mae na ang bagong mayordoma ng pamilya arrellano. Una kasi si ms.yuu, na umalis na. And then pinalitan ni keana na napalitan agad ni auntie Jenna na auntie ko pala kaya pinalitan ulit na dapat si chimimay rain na kaso nag traitor sakin. kaya si mae ang nanalo at hinirang sa dulo. We based kasi sa tagal ng paninilbihan samin kung sino ang hihiranging mayordoma. at si chimimay mae yon.

Bigla akong kinabahan ng mapatingin sa pinto, alam ko namang exage yung mga nachachambahan kong chimimay. pero pano kung totoong sinabi nyang may zombie nga sa labas? edi ako namang nakain. sayang ang ganda ko noh!

Kumuha kami ng maaaring ipamalo, huminga ko ng malalim tsaka ko sya sinenyasan, tango na lang ang nasagot nya habang nangangatog sa takot.

"This is it! yari ka zombie, hanggang manila pala nag byahe ka na from busan south korea. but sad to say di ko hahayaang pati ako mabiktima mo! si mae pwede pa! but me? aniyo! no way!".

Tinanguan ko si chimimay mae means to be ready, dahan dahan kong binuksan ulit yung pinto. nanlaki yung mata ko ng makitang may lalaki ngang nakatayo sa labas, nakatalikod sya habang busy sa pakikipag usap sa phone.

"Oh my! tumatawag na sya ng back up! hindi to pwede! kailangan kong makatakas bago pa sila dumating".

Dahan dahan ko ulit sinara yung pinto, tsaka ko tinignan si mae na halos mamutla na yung mukha.

"Sorry mae, maldita na kung maldita pero mas deserving naman akong mabuhay kesa sayo. ako ng bahala sa pamilya mo kung sakali".

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon