Chapter 37: Womanizer.

108 4 0
                                    

Aaron Gordon

Napatingin lahat ng tao sa bar ng pabagsak kong ibaba yung bote, isang linggo ng nakalipas pero di ko pa rin nakikita si Jenna, sobra kong nag aalala kung ano na bang nangyari sa kanya. Pano kung malason na sya dahil kay baby na di pa rin natatanggal sa tiyan nya?

Ginalugad ko na nga lahat ng pinupuntahan namin dati pero isa man don ala sya. Pati mga tawag ko di nya sinasagot

Naisip ko kung di ko sya makikita akong magpapahanap sa kanya, I know pupuntahan nya ko dito sa bar pag nalaman nyang naglalagi na naman ako dito. Nag voice mail na ko sa kanya at sinabing kung di sya uuwi magpapakalasing na lang ako.

Ayaw na ayaw nya kasing umiinom ako, she hate alcohol so much kaya nga madalang na din akong naiinom simula ng pakasalan ko sya. I know di nya ko matitiis, I know mahal nya ko.

Flashback..

"Hoy Aaron Gordon! Sabi na nga bat andito ka na naman!"- hila nya sa tenga ko.

"Aray ko! Jenna! Saglit naman!".

"Teka ms, ala ka bang manners? sino ka ba ha!? Look, kawawa naman si aaron!"- pigil sa kanya ng ka workmate kong si divine.

"Bakit? Ikaw? Sino ka ba ha?".

"I'm Divine Ko".

"Paki "ko?" Tumabi ka nga!".

"Eh ala ka nga pa lang manners eh!"- akmang sasampalin nya si Jenna pero napigilan sya nito sabay sampal sa magkabilang pisngi nya. Ang astig talaga ni Jenna, kaya under ako sa kanya eh.

"I'm Jenna Kim! At kung isa ka sa mga babaeng nagpe- pretend na may pag asa kang magkaron ng happy ending with Aaron Gordon you better stop now. Cou'z kaharap mo na ngayon ang happy ending nya and its me, Jenna Kim Arachi!? [Kuha mo!?]".

"Napaka-

"Huwag ka na magsalita ok? I don't care about you! Let's go Aaron!".

Gusto ko nang ilubog yung mukha ko sa sahig habang kinakaladkad nya ko, lahat ng tao sa bar nakatingin samin. Nakakahiya. Suki pa naman ako ng bar na to kaya kilalang kilala nila ko. Binitawan lang nya ko ng makalabas kami ng bar. Ipasok ko kaya syang bouncer?

Pinag mouth wash muna nya ko bago pinapasok sa kotse, kung di ko lang sya mahal di ako papayag sa pinaggaga- gawa nya sakin.

Lalo na this few days, kung mataray sya dati mas mataray sya ngayon. Halos di na nga nya ko palapitin sa tabi nya. Bakit nakipag relasyon pa sya sakin?

Napakunot noo ko kasi kanina pa dapat nag start yung panenermon sakin, kilala ko na yung pagiging armalite ng bibig nya lalo na pag umiinom ako.

"Sorry. Naaya lang naman ako ng mga katrabaho ko, di ko naman pinansin yung mga babae eh!"- nanatili syang di nagsasalita, lalong napakunot yung noo ko ng mapansing namutla yung itsura nya.

"My precious are you ok!?"- nag aalala kong alalay sa kanya. Napahawak na lang ako sa pisngi ko ng sapakin nya ko. Babae ba talaga to?

"Aray ko!".

"Huwag mo sabi kong tawaging my precious eh! Ummft-" takip nya sa bibig nya.

"B-bakit!?".

"Tabi!".

"Bakit ba?"- laking gulat ko ng sukahan nya ko, damn.

"What the heck jenna!? Nag mouth wash naman ako ah!"- bigla na lang nya kong sinampal. Pilit kong kinalman yung sarili ko.

Mahal ko si jenna. Mahal ko si jenna. Mahal ko si jenna- paulit ulit kong bulong sa sarili ko. I don't want to hurt her kahit anong klaseng pananakit pang gawin nya sakin kaya kailangan kong kalmahin ang sarili ko.

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon