Chapter 31: Zombie Part 2!?

118 4 0
                                    

Zach La'vine

Sinabay na namin si inah sa next destination namin, actually kanina pa pala namin sya kasabay dahil hindi lang pala kami ni Aaron ang sakay ng yate.

Palihim din pala syang sumakay kanina, buti na lang nakapag drive ako ng maayos dahil di ko mapapatawad ang sarili ko kung dalawang tao pa ang mapapahamak ng dahil sakin.

Kami pang pinagalitan nya sa nangyari sa kanya, malay ba naming may stalker na palang nakasunod sa amin. pero i'm so thankful na gasgas lang sa tuhod ang nakuha nya sa nangyari.

Pinagmamasdan ko lang sila ni aaron na maingat na nilalagyan ng gamot yung sugat nya sa tuhod. halata sa bawat kilos nya na attracted sya kay inah, halos tunawin na nga nya sya sa titig.

Based naman sa reaksyon ni inah mukang natural na yon sa kanila. Ni hindi nya binibigyang pansin o malisya yung tinging yon sa kanya ni Aaron kahit na sobrang obvious na yung meaning.

In other side, di ko maiwasang mainggit sa closeness na nakikita ko sa kanila. Naisip ko, siguro ganon din yung closeness na meron kaming tatlo dati.

"Dahan dahan Aaron! Anak ng tokwa oh! Ang sakit!".

"Dahan dahan na nga eh! Halos di ko na nga idikit tong bulak sa sugat mo!".

"Aray!".

"Bakit ka ba kasi sumunod samin?"- tanong ko. O mas tamang sabihing pag epal ko. Di ko na kasi ma take na pagmasdan lang yung ginagawa nila.

"H-ha!? B-Bakit ko naman kayo susundan?".

"Kung di mo kami sinusundan, bakit ka nakasakay sa yate namin?"- panghuhuli ni Aaron sa kanya.

"Malay ko bang yate nyo to! Ito lang ba ang nag iisang yate sa isla?".

Natawa ko sa kalokohan nya, pinaninindigan talaga nyang inosente sya, pero di naman sya makatingin ng direcho.

"Kunwari ka pa. Alam ko namang habit mo na talaga ang mag stalk dati pa".

"What!? Sino nagsabi!?".

"Napatunayan ko yon sa sarili ko nung sundan mo ako nang mag day off ako sa trabaho nung bodyguard mo pa ko, nung pinasyal ko sila nanay. Kala mo ba hindi kita nakita?".

"N-naalala mo yon?".

"Oo naman"- natigilan ako.

Sakin ba nanggaling yung mga salitang yon? May naaalala na nga ba ko?

"Zach, Bro! May naalala ka na! Great!"- masayang tapik sakin ni Aaron.

"N-nakaalala ko.. May naalala ko sa nakaraan ko.."- nagulat na lang ako ng biglang yumakap sakin si inah.

"I'm so thankful zach! May naalala ka na! Kahit na nakakahiya dahil yung pag- stalk ko pa sayo yung naalala mo sa lahat ok lang! At least may naalala ka na!"- nakangiti nyang sabi.

"O-oo..".

"Malapit na pala tayo sa susunod na pupuntahan natin, i'm sure na may maaalala ka din pagdating natin don".

"Sana nga..".

Nang makarating kami sa destinasyon namin, napakunot yung noo ko. Actually sumakay pa kami ng taxi para makarating, dito sa malapit sa bangin.

"Dito ang huling pagkikita nyo ni inah 3 year's ago, dito ka nahulog at dito rin tumalon si kira".

"Tumalon si kira?".

"Oo. Actually dati ka ng popular sa mga babae kahit di ka pa celebrity, marami na talaga kong kaagaw sayo at isa na si kira sa mga yon".

They tell me kung bakit lumundag at namatay si kira, it's because of me. Hindi pa din ako makapaniwala na may magpapakamatay na babae dahil sakin. Ala namang special sakin.

Sinabi nilang after non matagal akong nawala at nakita na lang ako ni inah makalipas ang ilang taon sa isang TV show. At sikat na ko bilang isang singer.

Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang lahat, pilit kong inaalala lahat ng mga bagay na pwede kong maalala pero the more na pinipilit ko sumasakit lang yung ulo ko. Mas madali pa yung kusang naalala ko lang ang lahat.

"Tama na muna siguro yon zach, marami ka pa namang time at andito lang kami para tulungan ka".

"Yah. Tama si Aaron, di kami susuko hangga't hindi bumabalik yung alaala mo".

"Malamang, ang tagal mong hinintay to di ba? Na bumalik si zach".

"Shut up Aaron, alam mo ang daldal mo!".

"Hahaha. Ano zach? Let's go".

"Pwede bang mauna na kayo?".

"Ha?"- nagkatinginan silang dalawa.

"Bakit? May iba ka pa bang lakad? Sasamahan na kita, umuwi ka na Aaron".

"Ang sama mo ha. Ang laki ng naitulong ko tapos pauuwiin mo ko ng ganon lang?".

"No inah, you should go with aaron, may gusto lang akong pag isipan".

"Ganon? Makakagulo ba ko sa pag iisip mo?"- naka pout nyang sabi.

Napangiti ako. Lalo syang gumaganda sa paningin ko pag umaarte sya, marami syang ugali na ala sa listahan ko ng ideal girl pero handa na yata akong gumawa ng bagong listahan para sa kanya. Una na sa list ang pagiging pasaway.

Hinila ko sya at niyakap, that's what my heart say kaya yon ang ginawa ko. Ni hindi ko na nga naisip na nakatingin pa pala si Aaron.

Marahan kong tinapik yung ulo nya tsaka hinagod yung buhok nya, ramdam ko namang humigpit yung yakap nya sakin, lalo tuloy akong napangiti. Pasaway talaga.

"Sumabay ka na kay Aaron, wag ka ng pasaway".

"Baka pag iniwan kita, tumalon ka na naman sa bangin. Baka di na naman kita makita".

"Don't worry, It won't happen, i won't do that"- nilayo ko sya at tinitigan. Inipit nya yung buhok nya sa tenga nya tsaka nag beautiful eyes. Natawa ko.

"Pasaway"- piga ko sa ilong nya.

"Aray".

"Aaron, umuwi na kayo. Tatawag na lang ako ng yacht na pwedeng sumundo sakin pabalik. Ingat kayo, ingatan mo si inah".

"Sure bro. Kahit di mo sabihin".

"Sige na"- kaway ko sa kanila.

"Bumalik ka sa isla zach ha! Magpakita ka sakin pagkabalik mo!".

"Oo sige".

"Bye!".

Ilang oras pa kong nag stay, para magmasid at mag isip. Nagpasya lang akong umuwi ng makatanggap ng tawag kay andi.

Paalis na sana ko ng may babaeng biglang namang dumating, pareho kaming nagulat ng makilala ang bawat isa.

Nakita ko na sya, sa panaginip. Sya yung isa sa mga kasama ni mae na naka pink apron.

"K-kilala mo ba ko?"- tanong ko sa pagkatulala nya.

Mabuti na lang malayo na ko sa bangin kundi malamang nalaglag na naman ako. Bigla na lang kasi syang sumigaw.

WHAAHH!! ZOMBIE!

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon