Chapter 50: Fair? Pair? part2

306 7 2
                                    

Zach La'vine

Nakakainis. Napaka wrong timing magpa tawag ng meeting ni Mr. Collins. Kung kaylan kailangan kong bantayan si inah dahil baka kung anong gawin sa kanya ng womanizer na si Calvin tsaka nya ko bigla biglang patatawag. Di ba pwedeng si andi na lang munang kausapin nya then sasabihin na lang sakin ni andi kung ano ba yon?

Napakalampag na lang ako sa manibela ng biglang huminto na naman yung daloy ng trapiko, di ako bugnuting tao pero pakiramdam ko ngayon may buwanang dalaw ako dahil sa nararamdaman kong inis.

"Hey zach! Is there something wrong? May problema ba?".

Natigilan ako ng hawakan ni andi yung kamay kong nakahawak sa manibela. Nag aalala yung tingin nya sakin. May problema nga ba ko? Tanong ko sa sarili ko. Yes, may problema ko. Yung girlfriend kong sumamang mamasyal sa ibang lalaki na ngayon lang nya nakilala. Ni hindi nga nya alam kung mabuti bang tao si Calvin.

"Zach?".

"Ah- it's nothing".

"Are you sure?".

"Yeah".

"Maybe mas maganda kung liliko ka na don"- point nya sa isang eskinitang may kakitidan.

"Ha? Pero ito na ang pinakamabilis na daan sa bahay nyo di ba?".

"Actualy, kanina pa din sumasakit ang ulo ko sa trapik, maybe it's ok na mag skip tayo minsan sa mga meetings ni dad".

"Ha?".

"We should unwind sometimes zach, excuse ako nang magda drive"- hawi nya sakin sa driver seat. Nagpalit kami ng pwesto.

Agad nyang pinaandar yung kotse tsaka nga dumaan sa tinuro nyang eskinita. Na amazed ako nang ilang saglit lang nasa highway na ulit kami.

"Wow. Pano mo nalaman yung daan na yon".

"Well.. based on experience"- tsaka sya ngumiti.

"Pano ang dad mo? Magagalit yon".

"Hayaan mo na, sabi ko nga sayo ok lang na mag skip tayo minsan. Akong bahala".

"O-ok.. Sure ka talaga? Di na tayo pupunta?".

"Oo nga! I know there's something bothering you".

"Ha?".

"It's Inah right?".

"Alin?".

"Yang dahilan ng mood mo, it's because of Inah I know".

"Ah.. Y-Yes.."- ngumiti sya.

"Sabi na nga ba. I know where they are".

"Really?".

"Yes. I want to help you even on the last minute zach.. Baka kase dumating yung point na kamumuhian mo na ko..".

"Bakit naman?".

"Dahil sa demanding kong daddy" - nag loading muna sa isip ko yung sinabi nya bago ako naka react.

"Ha!? Di ah! Bat naman kamumuhian kita dahil lang don!?"- bigla syang natawa and then nag focus na sa pagda drive.

"It's only a joke zach, binibiro lang kita. Actually gusto lang kitang gawan ng pabor kaya hayaan mo na ko".

" Ah..".

Natuwa ako sa sinabi nya, atleast naintindihan nya pala ko. Again I focus myself on inah. Kung san na ba sya dinala ni calvin at kung ano na bang ginagawa nila ngayon.

"Mapagkakatiwalaan ko naman siguro si Calvin, I know di sya gagawa ng kahit anong di ko ikatutuwa. I know he's genius enough para malaman nyang may something samin inah even if di ko sinabi sa kanila yon ni andi..".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon