Inah Arrellano
Hindi ako nagpakita ng anumang emosyon kahit sobrang lungkot ng pakiramdam ko. Basta normal mode lang. Yung normal na ako.
Ok nang iyon ang makita nya bago sya umalis, sapat na rin naman ang ilang araw na nag effort syang pangitiin ako. Na appreciate ko yon.
Sabay kaming pumunta sa pres con na pina- arranged ng manager nya.
Pormal ang pakikipag usap sakin ng manager nya kabaligtaran ni andi na laging nakangiti. Hanggang magsimula na nga ang pres con.
"Mr.La'vine ano po bang talagang kaugnayan nyo kay Ms.Inah Arrellano?".
Tatlo kaming humarap sa mga reporter's, si zach ako at si Mr.Collin's ang manager ni zach na daddy pala ni andi.
"Si Inah, she is-
"Let me answer that instead of zach"- putol ni Mr.Collin's sa sasabihin nya.
"I'm his manager, and the owner of the company kung san sya kumakanta. I'm Alexander Collins".
"Sige po Mr.Collin's ano po bang masasabi nyo about sa kumalat na video? Sino po bang talaga si Ms. Inah Arrellano?".
"She is.. Nothing..".
Napakunot noo ko sa sinabi nya, ako NOTHING? Kelan pa? Sya pa lang ang nag describe sakin ng ganon!
Maging si zach ganon din ang reaction, nagso- sorry yung tingin na pinukol nya sakin.
"So please, don't disturb her anymore. Instead abangan na lang nila ang soon to be released na album ni zach".
"My new album sya?".
"Yes. It's soon to be released kaya iyon sana ang pagtuunan nila ng pansin, instead mga bagay na nonsense".
Naging front na ng mga tanong pres con ang new album na ire- released ni zach kaya palagay ko tuluyan na ngang nabura sa isip ng lahat yung about sa video.
Hanggang matapos puro si Mr.Collin's na lang ang nagsalita, talagang pagiging prop's lang ang naging papel ko.
Nangako ang mga reporter's na di na nila ko guguluhin tsaka humingi ng tawad dahil sa perwisyong nagawa nila sakin.
Hindi mawala wala yung ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan yung mga taong labas masok sa resto.
Kala ko maiinis na naman ako maghapon dahil sa pag defined sakin ni Mr.Collin's ng NOTHING but, napagtakpan yon ni zach dahil sa ginawa nya.
I thought ganon na lang kami magpapaalam sa isa't isa pero laking gulat ko ng hingin nya yung cellphone no. ko. Sa harap mismo ni andi.
Flashback.. A minute later..
"Salamat sa participation mo inah"- nakangiting kamay ni andi sakin.
"Tss.. Alin don? Yung sa part na para kong naging palamuti dahil di nyo manlang ako pinagsalita?". - bulong ko.
I smile at her di naman maitatanggi na mabait si andi, masakit lang talaga na isa sya nagiging dahilan kung bakit nasasaktan ako. pero ano bang malay nya don? Muka ngang inosente sya at di nya alam na nagkaroon ako ng past sa isang zach La'vine.
"It's ok. Actually may kasalanan din ako sayo, at nagkamali ako don dahil isa ka palang anghel".
"Ha?"- mukha syang naguluhan sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]
RomanceIs this happily ever after? Or may pa part 3 pa si ailab_purple? 😂