CHAPTER 1: Inah encounter Zach

499 9 0
                                    

Inah Arrellano

I'm Maria Cristina Arrellano Mcbride

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm Maria Cristina Arrellano Mcbride. Just call me, Inah

Maganda.

Mayaman.

Maldita.

PERFECT na sana ko. pati ang buhay ko, kung di lang kinain ng bangin ang boyfriend ko. Yup! kinain sya ng bangin at ng isauli na wrong send pa kasi sa iba sya sinoli'. Anak ng tokwa oh!

Pa tsunami walk akong naglalakad sa sikat na mall na yon. sa favorite mall ko, ang jajoo-saek [purple mall]

Habang yung mga boys nakasunod ng tingin, lalo tuloy nadadagdagan yung baon kong self confidence. Napangiti na lang ako.

"Ala ka pa ring kupas inah, ang pretty pretty mo pa rin!".

All smiled lang ako at taas noo'ng naglalakad ng mapatigil ako, nabura din yung kaninang abot tenga kong ngiti.

Nakatitig lang ako sa kanya, habang sya ni hindi manlang ata ako pansin. di ko sure, naka shades kasi sya. Ang gwapo pa rin nya, kamukhang kamukha nya talaga si Lee Min Ho.

"Zach..".

Bulong ko. napahawak ako sa tapat ng puso ko, ang lakas ng kabog no'n. Biglang nag flashback sakin yung nangyari.. 2 years ago..

Nang makita ko sya sa isang tv show na napanuod ko nung nasa korea pa ko, agad akong umuwi ng pilipinas.

Sinabi ko kay aaron ang lahat at nagpasama sa kanya sa america dahil mas kabisado nya ang lugar na yon kesa sakin. hindi naman sya nag dalawang isip at agad akong sinamahan.

Napakasaya ko ng oras na 'yon dahil makakasama ko na uli si zach, but i was wrong.

Ilang araw kaming nag stay ni aaron sa america, di ko alam kung sadya o busy lang talaga sya dahil sa bagong nyang career di manlang kasi namin sya nakaharap.

Singer na sya ngayon, kung dati bodyguard ko lang sya ngayon sya na ang nagha hired ng bodyguard. may album na nga syang na release eh! means sikat na talaga sya.

Dahil parang nananadya na silang di iharap si zach samin, nag aya na si aaron na bumalik na lang ng pilipinas.

Pero dahil desperada na kong isama pauwi si zach, gumawa ako ng hakbang na di alam ni aaron alam ko naman kasing pagbabawalan nya lang ako.

Inabangan ko si zach sa labas ng front door ng building kung sa'n naka schedule syang interview'hin, hanggang matapos ang show di ako umalis kahit pa manigas nigas na ko sa lamig. di naman ako nabigo dahil sa wakas nakaharap ko din sya pero..

"Do i know you?".

Yan lang yung salitang narinig ko sa kanya, halos himatayin ako sa sakit na nararamdaman ko ng mga oras na 'yon.

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon