Chapter 30: Remembering.

115 4 0
                                    

Zach La'vine

I spent my fourth day sa resort with Aaron, nagsabi ako kay andi na inaya ako ni aaron na mag tour sa buong resort dahil may ipakikita daw syang mga lugar sakin na kailangan kong makita. Yon kasi ang sinabi ni Aaron na sabihin ko.

Ayaw pa nya nung una dahil baka magka problema na naman daw kami kung may makakakita pang ibang tao sakin na nagbabakasyon dito sa resort.

Mabilis na naman kasing kumalat sa social media yung video ng nangyari kahapon, kung san muntik na kong nalunod at sinagip nya ko using CPR.

Nakatanggap agad kami ng call from his dad na napanuod pala yung video at sinabihang bumalik na din daw kami agad agad sa america.

Buti na lang gumana ang pakiusap ni andi kaya pumayag pa ang dad nya till last day ng free vacation namin kapalit ng pangakong ala ng kasunod pang video na maa- upload sa social media.

Napapayag ko din si andi na mag tour ako kasama si aaron pero nagtataka syang nagtanong kung bakit bigla naging close kami ni Aaron, natatawa kong sinabi na bromance ang dahilan na kinataas ng kilay nya.

I think naniwala sya sa sinabi ko dahil bago ko umalis pinaalalahanan pa nya kong mag isip muna bago ko pumatol sa same sex.

Nakokonsensya man ako sa paglilihim sa kanya dahil masasabing sya na ang latest best friend ko ngayon, pinili ko pa ring maglihim. Inisip ko na lang na maiintindihan nya.

Nangako na lang ako sa kanya na we will spend our last day dito sa resort ng kami lang ang magkasama. At di na mai- involved si inah.

She told me frankly na nagseselos sya pag magkasama kami ni inah kaya she wish na even the last day sana naman daw kami lang ang magkasama.

Its sounds she become greedy sa hiling nyang yon but hinayaan ko na lang para ala ng gulo pa. Ramdam ko rin kasing di rin sila magkasundo at nagkakaron ng competition pag magkasama sila.

Magkasama kami ni Aaron na nag ikot sa isla sakay ng yacht na ako pa mismong nagmaneho. Sya daw ang nagturo sakin kaya confident syang di kami mapapahamak.

Dinala nya ko sa mga lugar na pinuntahan daw namin dati hanggang sa dulo ng resort. Sa part na magubat na at ala ng maglalakas loob na pumunta.

Doon daw dinala si inah ng dukutin sya ng mask man or mga tauhan ni Chelsea. Di ako makapaniwala  na may pinagdaanan pala si inah na ganon kay Chelsea lalo pa't nakikita kong mukhang close naman sila.

Hanggang sa mapunta nga kami sa isang lumang warehouse, kagaya ng mga lugar sa pelikula kung san pinahihirapan yung mga bida.

Napahawak ako sa sintido ko, there it goes again. Madalas na tong nangyayari sakin this few weeks, madalas sumakit yung ulo ko pero kapalit naman non may mga bagay akong nakikita o mas tamang sabihing naaalala.

Mga alaala kung san madami kong tao na nakikita na halos lahat involve kay inah. Una na si Mae.

Nakita ko na sya once sa panaginip ko, suot din nya yung pink na apron nya kagaya ng madalas nyang suot pag nasa bahay lang sila. Maliban sa kanya may kasama pa syang dalawang babae na mga naka pink apron din.

Second. Si Ms.Yuu at Doc.Dean, marami akong mas mahahalagang schedules pero mas pinili ko yung invitation para kumanta sa kasal nila.

Kinasabwat ko lang yung schedule coordinator ko at pinasabi na matagal na silang humihiling ng appointment sakin kaya naka attend ako kahit pa kagagaling lang namin ng pinas two weeks ago.

My reason? Nakita ko din sila sa panaginip ko, mabilis ko silang nakagaanan ng loob ng magkaharap kami. Lalo na si Ms.Yuu na una pa lang pinaramdam na saking di na ko iba sa kanila.

Dahil sa mga panaginip kong yon kaya lalo akong nagiging interesado sa mga taong nagsasabing kilala daw nila ko.

Ang mga panaginip kong yon ang nagsisilbing pattern na sobrang nakakatulong para malaman ko kung sino talaga yung tunay na ako.

"Zach! Ok ka lang?"- yugyog sakin ni Aaron.

"Ha!? Ah! Oo!"- nilibot ko yung tingin ko.

Alang anumang makikita sa lugar kundi mga nakasalansan na lumang mga kahon.

"Dito tayo napasabak sa labanan sa mga mask man ni Chelsea".

"Talaga? As in nakipag away tayo?".

"Oo. Madaya nga sila kasi madami na nga sila may mga baril pa silang dala samantalang tayo sarili lang natin ang dala natin at kagwapuhan".

Natawa ko sa sinabi nya, ramdam kong di na sya namimili ng mga sasabihin, di kagaya kahapon na tinitipid nya lahat ng sinasabi nya.

"Buti nakaya natin sila".

"Anong nakaya, hantik na nga tayong matuluyan ng madadayang yon buti na lang dumating si Mr.McBride".

"Mr.McBride?".

"Dad ni inah. Bigla na lang syang dumating na may kasamang mga back up kaya tuluyan tayong nakalabas sa lugar na to".

Sinabi sakin ni Aaron na malaki ang role ni Mr.McBride sa buhay ko, sya kasi ang dahilan kung pano ko nakilala si inah.

Sya daw ang nag hired sakin kaya naging bodyguard ako ni inah, pero sobrang nagalit sya dahil sa muntik ng mapahamak si inah kaya sinesante din nya ko na dahilan para makilala ko si kira na kapatid daw ni keana.

I remember the name, kira. Sya yung multo na kinatakutan ni inah last time. So naging amo ko din pala sya, but how come? Pano syang namatay?

"Zach! Aaron! Asan na ba kayo!?"- nagkatinginan kami.

"May sinama ka ba?".

"Ala baka ikaw, mukang kilala ka nya eh. Tinawag nyang pangalan mo".

"Tinawag din naman nyang pangalan mo ah".

"Zach! Aaro- wah- Waaaaah!"- naghahadali na kaming tumakbo kung saan nanggaling yung mga nagbagsakang kahon.

"Ouch! Oh my gosh! Ang sakit ng tuhod ko!"- umiiyak nyang sigaw.

"Asan ka!?"- sigaw ko.

"Dito!".

Pinagtulungan naming tanggalin yung mga kahon tumabon sa kanya, nagulat na lang kami ng makilala sya.

"Bat ba kasi ang bilis nyong maglakad!"- reklamo nya. Nagkatinginan kami ni Aaron.

INAH!?

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon