CHAPTER 4 : Treat For Andi.

248 4 0
                                    

zach La'vine

*La'vine Residence*

Tuwang tuwa sila nanay ng makita ko. niluto nya agad lahat ng pagkaing paborito ko. Specially tinolang manok.

"Buti naman anak pinayagan ka ulit ni Mr.Collins na magbakasyon".

"Ah opo. mabait naman po sya. strikto lang talaga pagdating sa trabaho".

"Sabagay kasama mo naman si andi eh, sya naman talaga ang manager mo di ba? kaya hindi na din nag aalala si mr.collins na may mangyayaring di maganda".

"Ahm nay sa totoo lang po may nangyaring-

"Don't forget me naynay. Andito rin ako para samahan si zach at protektahan sa mga manggugulong fans nya"- nakangiting sabat ni calvin.

"Salamat calvin, lagi mong sinasamahan ang anak ko, mas inuna mo pa syang inisip imbis na isipin mong sarili mo. Mas sikat ka pa nga sa anak ko dapat ikaw ang mas mag ingat".

"Its ok naynay, i already know what to do when im on that situation. I must secure zach first, masyado kasi syang mabait sa mga fans nya".

"Nako nay, sumama lang yang si calvin para makatikim ulit ng luto nyo. wari ka pa akong iniisip mo! makikikain ka lang naman!"- batok ko sa kanya.

"Aw man! why would you need to do that!".

"Because you're not only a singer, you're also an awarding actor. Wari pa good shot ka pa kay nanay. anak ka ng teteng".

"Tss.. that's not true. Anyway who is teteng? you always mentioned his name".

"Huwag mo ng alamin. di mo kilala yon!".

"Kuya wag ka namang ganyan kay calvin. ang harsh mo masyado sa kanya"- pagtatanggol ni mira.

"Bakit pinagtatanggol mo yang si calvin mira? sino ba talagang mas miss mo samin ha?".

"Of course it's you kuya. i super duper really miss you. But kuya, inaaway mo kasi si calvin, ang bait na nga nya eh! kasi lagi ka nyang sinasamahan tuwing uuwi ka. means he really worried about you".

"Yup. Tama ka dyan mira, kaya mahal ko tong kapatid mo zach eh. You know? i think mas kilala pa ko ni mira kesa sayong two year's ko na halos nakasama. Hey mira, alam mo bang isa ka sa binabalik balikan ko dito sa pinas?".

"Really calvin!?".

"Yah. and of course you also naynay and your famous tinolang manok"- sabay kindat kay nanay

"Kitams lumabas din sa huli yung tunay mong pakay, Hoy calvin tigilan mo si mira at si nanay!".

"I'm just saying the truth. The tinolang manok, it's really good naynay, double thumbs up".

"Hay nako! tama na nga yan mga anak, dapat masaya lang tayo dahil andito ulit kayong tatlo. di na din naman ako sanay na kulang kayo eh. nasanay na kong kasama mo sila andi at calvin tuwing umuuwi ka".

"Salamat po tita"- nakangiting sabi ni andi

"Thanks naynay"- todo ngiti namang sabi ni calvin sabay yakap kay nanay. napabuntong hininga na lang ako.

Na meet ko si calvin sa america dahil kay andi, ang dad kasi ni andi ang manager nya. while si andi naman ang naging manager ko.

Madali ko syang nakagaanan ng loob simula ng ma meet ko pa lang sya, pakiramdam ko nga may nakilala na kong taong kagaya nya dati.

Mabait sya at maaasahan except na lang kung babae ng usapan. Yon naman ang di ko gusto sa kanya, ang playboy image nya.

Kaya di ko maiwasang mag alala kay mira, tyak masasaktan lang sya lalo pa't nakikita kong unti unti na syang nahuhulog kay calvin. Di naman sa mapili ako, di lang kasi sya ang tipo kong lalaki para sa kapatid ko bukod pa sa 7 years ang tanda nila sa isa't isa.

"Nga pala anak. bakit naman pinauna mo sila andi dito? san ka ba pumunta kagabi?".

"Ho!? ah- ano po eh-

"May pinadaanan lang ako sa kanya tita. May pinabili kasi ko sa kanya sa mall"- biglang sabat ni andi.

"Ah.. eh bakit inumaga ka? ano bang pinabili ni andi?".

"Ahm.. ano po-

"Lipstick po".

"Lipstick lang inumaga ka?".

"Ahm.. ano eh-

"Umaga na po kasi dumating yung mga bagong stock, kahit po sa america mabilis din mag out of stock ang brand na yon kaya nagpapasalamat po talaga ko kay zach kasi inabangan pa nya hanggang umaga yung mga padating ng stock para lang di ako maubusan. Thank you very much zach".

"Ah ok lang. basta ikaw"- tinanguan ako ni andi means sumakay na lang ako. buti na lang busy na sa pangungulit si mira kay calvin kaya di na sya nakasabat sa usapan baka kasi lalo lang gumulo.

"Ah.. sige kumain na kayo, i know na miss nyo ang luto sa pinas".

"Salamat po".

*Garden*

"Thanks andi".

"For what?".

"Sa pagsalo sakin".

"Ah.. mas mabuti sana kung pati ako sasaluhin mo"- mahina nyang sabi

"Ha?".

"Ala! actually nahirapan ako kanina sa pagsisinungaling kay tita. nakaka konsensya noh! super bait nya sakin tapos nagawa kong makapagsinungaling sa kanya"- naka pout nyang sabi.

"Pasensya ka na. babawi na lang ako, how about dinner?".

"Hindi ko naman kailangan ng- h-ha? d-d-dinner!?".

"Yup. san mo ba gusto?".

"Really? you're asking me for dinner!?".

"Oo. unbelievable ba?"- natatawa kong sabi. sobrang pula kasi ng mukha nya tapos super shock.

"Ah- di naman. Actually ngayon mo lang kasi ko inaya".

"Sorry. sobrang busy kasi ng schedule natin this few weeks, kahit nga ikaw minsan na lang din magkaroon ng time para mag relax kaya dapat lang na i treat kita".

"Ah".

"So tomorow night ha?".

"S-sige".

IT'S MY TREAT.

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon