Chapter 20: Revelation.

132 5 0
                                    

Inah Arrellano

Di sya agad nag react, nganga lang sya. Tama yung title ng tres maldita's sa kanya, Sya nga si Mira'ng NGANGA.

Rinig na rinig ko sila sa taas, kahit kailan talaga pasaway yung tatlong yon. Additional stress ang madalas effect nila sakin kesa happiness.

Di ko maiwasang di mapangiti habang magkatitigan kami, I miss this cute little girl. She's grown up now. Pero nakakatuwang mukang ala syang pinagbago.

Sya pa din yung inosente, mabait at cute na si mira, na kapatid ni zach.

"Masaya kong makita ka ulit mira".

"A-ako din po ate ganda"- napangiti ako, till now ganda pa din pala ang tawag nya sakin.

"Pero di ako masaya na may kasama kang asungot"- taas kilay ko kay flint.

"Pano ba yan ate inah, alam ko ng bahay mo".

"Tse! Umuwi ka na! Di na kailangan ni mira ng kasama, uwi na tsupe!".

"Ay ang sama!".

"Masama talaga ko, yung tatlo nga pinauwi ko eh! Usapan lang namin ni mira to! Uwi!"- hinila ko sya patayo.

"Mira, pinauuwi nya ko oh! You want me to stay right?"- naka pout nyang hawak kay mira. Nag iwas sya ng tingin.

"Mukang alam mo na ang sagot. Lika na sa labas, sa prisinto ka na magpaliwanag!".

"What!? Anong kasalanan ko!?".

"Teka lang ate ganda, let him stay.. Please?"- nakihawak din si mira.

"H-ha?".

"Kitams? Bitawan mo nga ako!"- binawi ni flint yung kamay nya sabay hila kay mira paupo ulit.

"Abat-

"Kala mo ha!".

"Flint usapan lang namin ni ate ganda to, pwede ka ba sa garden?".

"What!?".

"Oh! Kala mo ha! Hahaha!"- pang aasar ko sa kanya.

"Fine!"- padabog syang tumayo. May pagka childish din sya noh?

"Sige na. Pwede kang mag tour sa bahay ko, wag lang sa kwarto ko".

"Really?".

"Oo!".

"Alright! Let me kiss you ate inah!".

"Yak! Wag na!"- pigil ko sa paglapit nya.

"Choosy, masarap kaya ako humalik! Right mira?".

"H-ha? Yak! Kadiri ka!"- balibag ni mira ng unan sa mukha nya.

"Hahaha! Bye! Maglilibot muna si pogi".

"Ang kapal!"- duet namin ni mira, nagkatinginan kami sabay tawa.

"Masaya kong makita ka ulit ate ganda, na miss po kita".

"Ako din"- we hug each other.

"Dapat matagal ko na tong ginawa, i'm sorry po".

"It's ok, no need to say sorry. Ah! nga pala! Kamusta si tita zoey?".

"Po!? Ahm.. Ok lang po".

"Good. Nag alala kasi ko ng di na kayo nagpakita sakin after mawala ang kuya mo".

"S-sorry po ulit".

"Naiintindihan ko kayo, alam kong sobra din kayong nalungkot ng mawala sya".

"Ate kasi-

"Pero di iyon ang dapat nating isipin sa ngayon, ngayon na lang ulit tayo nagkita and we miss each other a lot kaya dapat maging masaya tayo".

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon