Inah Arrellano
Nanlalaki yung mata ko habang nakatitig sa kanilang dalawa na halatang nagulat din sa nangyari.
"Anak ka ng tokwa flint! Tumayo ka dyan!"- sigaw ko para matauhan sya.
"Ha!?".
Mabilis pa sa alas kwatrong nakatayo sya sabay hila kay ate girl, for the second time nanlaki ulit yung mata ko. Anak ng tokwa sinampal nya si flint!
"What was that for!?"- nanlilisik ang mata sa galit na sigaw ni flint sabay tanggal ng pangit nyang mask.
"May gana ka pang magtanong!? Bakit mo ko hinalikan ha!".
"Ha!? H-hindi ko naman-
"Salbahe ka! Baboy! Mananamantala! Dinapa mo na ko! ninakawan mo pa ko ng halik! Bastos! Pervert!"- humahagulgol nyang sabi habang walang humpay na hinahampas kay flint yung bag nyang pink.
"Teka! Tatanggapin ko lahat ng tinawag mo sakin pero yung pervert bawiin mo!"- pigil ni flint sa kamay nya.
"Bitiwan mo ko!".
"Bawiin mo munang sinabi mo!".
Nilulon ko yung laway na naipon sa bibig ko, Yak! Nakakatulala silang panuorin habang nag aaway. Alang gustong magpatalo.
Pumagitna na ko para awatin sila, nakakahiya na din kasi sa mga taong nagsisimula ng kumapal. Isa pa baka ma- involved na naman ako.
"Hoy tama na yan".
"No ate inah! She call me pervert! Makatarungan ba yon!?"- kinotongan ko sya.
"Ouch! What was that for!?".
"Look at her!".
Natigilan sya ng mapagmasdan yung itsura ni ate girl, sobrang maga na yung mata nya kaiiyak. Siguro kanina pa sya umiiyak kaya nabangga sya kay flint. Hulas na din yung make up na kumalat na halos sa buong mukha nya.
"Tsk!".
Na amazed ako sa next moved ni flint, dumukot sya ng panyo sa bulsa tsaka inabot yon kay ate girl.
"A-ano to?".
"Edi panyo. Wives your tears"- namulsa sya sabay talikod.
"T-teka! S-Salamat.."- napangiti ako habang pinagmamasdan si flint na palabas na ng mall.
Spell cool. F.L.I.N.T.
I meet flint dahil sa ilang beses naming pagbabangga, hobby nya na yon. Yung mang snatch ng bag ng magagandang babae and then wari magpapahuli sya. after ipababalik nya sa tauhan nya yung bag.
Nagsusuot pa sya ng pagka pangit pangit na mask para mas makatotohanan, ang saya daw kasi pag may babaeng sumisigaw ng "Yung bag ko!"
Lakas ng tama noh? I ask him bakit sa lahat ng trip yon pang nakagawian nya he said ala na daw akong paki. Anak ng tokwa!
Pasalamat pa nga daw ako dahil ninakawan nya ko, kasi magaganda lang daw yung ninanakawan nya. Palagay nya sakin? Di maganda? Ako nga ata ang pinaka maganda sa kanila! Tsaka sya daw ang naging way para makilala ko si zach, na totoo naman.
He's Flint Michigan. A.k.a snatcher. True identity? The heir ng purple mall.
"Are you ok?".
Tanong ko kay ate girl na nagpupunas ng luha, nag alisan na din yung mga taong pumaligid kanina habang nagsasagutan sila.
"Opo. Salamat".
Natigilan sya ng mapatitig sa mukha ko, bigla syang namutla na parang nakakita ng multo.
BINABASA MO ANG
MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]
RomanceIs this happily ever after? Or may pa part 3 pa si ailab_purple? 😂