Chapter 5

51 1 0
                                        

I love you... so~ much!


ARAY!!!! ANG SAKIT NG ULO KO!!! Nakakainis. Pagtapos ng sarap, sakit naman. Pantay na pantay talaga ang buhay. tsk! Kailangan lagi may kapalit. Lahat ng bagay may kapalit. Hindi ba pwedeng puro take nalang ng take? hayy~

Ha? Teka. Nasan ako? Umupo ako at nilibot ang tingin ko sa buong kwarto. *gasp* "Bat ako nandito?!" Tanong ko sa sarili ko. Jusko! sa sarili ko pa talaga tinanong eh noh?

Tiningnan ko yung sarili ko baka mamaya eh, pinagsamantalahan ako ng pesteng yon. Hindi pwede! ako lang pwedeng mag-samantala. HAHA! Bakit? Si Jessica at Krystal lang ba pwedeng mag joke? Anyway, mukha namang okay ako. Nakadamit parin ako- ay! hindi pala ako okay. Dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko, para na akong mapapraning sa sobrang sakit. Pati na katawan ko sobrang sakit din at parang namamanhid pa ako. HAY!. Ayoko nang uminom. Hindi na ko iinom. 

Oo nga pala. Yung plano ko? Ayun. Wala nang nangyari sa plano ko. Dahil nga sa nakatulog ako. Pero ang weird ng panaginip ko kagabi. Hay~ ayoko nang isipin kung ano man yon. Sobrang weird talaga. Hindi makatotohanan. HAHA! Wag niyo nang isipin yon. Na-share ko lang kasi nga ang weird. hayy~

Tumayo na ako sa pagkakaupo at napahawak ako sa ulo ko kasi biglang kumirot yung ulo ko. Hayy! Pramis di na talaga ako iinom ng marami.

Paglabas ko ng kwarto, bumungad sakin ang peste- i mean ang bestfriend ko.

"Afternoon." bati nya sakin na parang walang gana. Afternoon? Anong oras na ba? hmp! di bale na nga. Tumabi ako sa kanya sa sofa at nakinood ng tv. 

"Bakit ako nandito?" medyo mataray kong tanong sa kanya.

"Aba! malay ko sayo." sagot niya sakin at napakunot ako ng noo. "Ikaw 'tong nagpupumilit na dito ka matulog sa bahay ko. Tapos tatanungin mo ko kung bakit ka nandito?" 

Napanganga ako at napatingin sa kanya sa sinabi niya. OMG! Nagbibiro ba si Nathan? "ANO!?" sigaw ko sa tenga niya. Oy! Hindi ko kasalanang nasa tapat ng bibig ko ang tenga niya ah. Ayan, kaya napausog siya at tinakpan ang tenga niya.

"ANO BA?! Kailangan talaga sumigaw sa tapat ng tenga ko?!" galit niyang sigaw.

"Ay sorry. Kasi ikaw eh!" Panandali kaming natahimik at nanuod ng TV. 

Pasimple akong tumingin sa kanya at nakita kong serious siyang nanunuod kahit comedy yung palabas. Hala! Baliw yata 'tong bestfriend ko?

Wala paring nagsasalita saming dalawa. Hayy~ ang awkward tuloy. Pesteng panaginip yan! Kakainis!

Ilang saglit pa ay bigla biglang tumayo si Nathan at dali daling pumasok ng kwarto niya. Yung bigla na akala mo may naalala na dapat niya palang gawin. Oh kaya naman yung bigla na akala mo may kumagat na kung ano sa pwet nya. HAHAHA! Anong nangyayari don? Siguro nahihiya siyang tumawa sa mga jokes sa pinapanuod namin kase hindi naman nakakatawa yung mga jokes. As in sobrang corny. hayy~

Paguwi ko sa bahay, humiga ako sa kama ko at nagisip isip ng kung ano ano. Biglang pumasok sa isip ko yung moment namin ni Andrew. YIIEEE!!! kinikilig parin ako hanggang ngayon.

Habang nagde-daydream ako, bigla nanamang may paepal na umistorbo. Yung phone ko nagriring. HAY! Kainis naman oh! Kinuha ko ang phone ko para sagutin yung tumatawag. Hindi ko na tiningnan kung sino kasi naiinis ako. hihi.

"HELLO?!" pasigaw kong sagot. Syempre panira kasi siya ng moment eh. HAHA!

"Uhmm... Si- si Cassey ba 'to?" utal niyang tanong. hm? Sino 'to?

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now