'Ano ka ba, Cassey! Kanina pa naghihintay sayo si Nathan dito sa Airport! Pupunta ka ba?'
A-ano daw? Sino daw ang nasa airport?
.......
......
*gasp* OMG! NGAYON NA BA YON!?
"Nga-ngayon na ba yun?" pag-confirm ko kay Ate Luna.
"OO KAYA!" sigaw niya mula sa kabilang linya. "Ano? Pupunta ka ba? Dahil kung pupunta ka, Pumunta ka na nga-" dugtong niya pero pinutol ko na yon.
Oo, in-end call ko na at agad agad akong tumakbo palabas ng bahay. Pagbaba ko, Nasalubong ko si Ate Yuna sa hagdan pero hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo ko. Dahil kung magiinarte pa ako, sigurado hindi ko na makikita ang pinaka-mamahal kong bestfriend.
Hindi pwedeng hindi ko sya Makita ngayon dahil ayokong ang huling pagkikita at paguusap namin ay meron siyang sama ng loob o tampo sakin- kung meron man.
Paglabas ko ng main door ng bahay ko, Nakita ko si Andrew naglalakad palapit sa gate ng bahay ko. Napansin ko rin na ngumiti siya nung makita niya ako.
Paglabas ko ng gate, dire-derecho lang ako pero nahawakan ako ni Andrew sa braso at pinigilan ako. Takang taka yung expression niya nung tingnan ko siya.
"I'm sorry Andrew. Importanteng importante lang talaga. Babalik ako agad." Natataranta kong sabi bago pa siya makapagsalita.
Pilit kong inalis yung braso ko sa pagkakahawak nya at tumakbo na ako.
I'm sorry talaga Andrew. Napaka-impotante talaga sakin ng gagawin ko. Kailangan makapag-sorry man lang ako sa bestfriend ko bago siya tuluyang umalis dito sa bansa. Bago siya tuluyang umalis sa piling ko. Sa buhay ko.
Okay, OA na. Hanggang piling lang pala. Hehe.
Agad akong pumara ng taxi at mabuti nalang meron agad dumating.
Ang taray naman. Parang yung mga eksena lang sa mga drama. Pag nagmamadali yung bida meron agad agad na taxi na paparating. HAHA. Ganun yung eksena ko ngayon. HAHAHA!
Pagsakay ko ng taxi, agad kong sinabi sa driver kung saan ako pupunta. Sinabi ko na rin na paki bilisan.
Habang naghihintay ako makarating sa airport ay nakatingin lang ako sa bintana ng taxi at alalang-alala.
'Hintayin mo ako Nathan. Malapit na ako. Please, wag ka munang umalis.' Naiiyak kong sabi sa isip ko.
Sa kalagitnaan ng biyahe namin, napatingin ako sa paa ko. Ayan, sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na napansing di pala ako nakasapatos. Oo yung pagtakbo ko mula sa bahay hanggang sa sakayan ng taxi- magiging hanggang sa airport ay naka-yapak ako.
OHMAYGAHD! Wala rin pala akong dalang wallet. Ang tangi ko lang dala ngayon ay ang sarili ko at ang- Teka nasan na yung cellphone ko? Alam ko dala ko yun paglabas ko ng bahay eh. Siguro nabitiwan ko yun nung hinila ako ni Andrew kanina. HAY! KAINIS NAMAN! TSK!
Maya maya ay nakarating na kami ng airport.
"Manong, hintayin nyo po ako ah. Babalik ako agad!" nagmamadali kong sabi kay manong driver at agad na lumabas ng taxi. Narinig ko pa nga siyang sumigaw ng 'HOY MISS!' eh. Pero di ko siya pinansin.
Pasensya ka na talaga manong. Magbabayad naman ako eh. Nagmamadali lang talaga ako. Sorry talaga.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong pumunta sa kung saan alam ko kung san naghihintay si Nathan.
Malayo pa ako pero nilingon ko na agad yung pinto ng Departing Area or kung ano man ang tawag doon. At doon, nakita ko sila Ate Luna, Suzy, Krystal at Jessica na nakatalikod sa direksyon ko. Nang makalapit pa ako ng konti, doon ko na nakita si Nathan.
Ilang Segundo ko palang siya nakikita ay naramdaman ko kaagad ang pagka-miss ko sa kanya. Ngayon palang namimiss ko na siya. At kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ko.
Nung medyo makalapit pa ako ng konti, ay biglang inannounce na, na lilipad na ang eroplanong sasakyan ni Nathan papuntang America in 10 minutes. Napansin kong malungkot si Nathan at nakayuko. Bigla siyang humarap kila Ate Luna nung marinig yung announcement at ngumiti at parang may sinasabi siya sa kanila at sabay dahan dahan siyang tumalikod at naglakad papalayo.
OH NO! Hindi pwede. Teka lang Nathan. Lalong bumuhos ang luha ko mula sa mga mata ko at binilisan ko ang takbo.
Wala na akong pakelam kung pagtinginan ako ng mga tao o may mabangga man ako. Ang importante ngayon ay makapag-paalam ako at makahingi ng tawad sa bestfriend ko.
"NATHAN!!!" sumigaw na ako kasi malapit na siya doon sa pinto at mukha namang nakarating yung sigaw ko sa kanila dahil lumingon agad yung apat na babae at napansin kong ngumiti sila. Si Nathan hindi parin lumilingon. Pero napatigil siya sa paglalakad.
"NATHAN SANDALI!" sigaw ko ulit at this time ay mabilis siyang lumingon sa direksiyon ko.
Nakita ko sa expression ng mukha niya na gulat na gulat. Napansin ko rin na nabitiwan niya yung dala niyang bag at humakbang ng isa papalapit sakin.
Ayan na. Malapit na ako. Konti nalang. Ilang steps nalang, Nathan.
Bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay napansin kong napatakbo siya ng konti. At ayun! Niyakap ko kaagad siya ng mahigpit at ganun din naman siya sakin.
At nung time na yon ay umiyak na talaga ako ng bongga at sinabi ko na agad agad ang mga gusto kong sabihin habang umiiyak.
"I'm sorry, Nathan. I'm sorry. I'm really sorry. Nawala talaga sa isip ko. Sorry talaga." Paulit ulit kong sabi kay Nathan.
"Shhh~ It's alright, Cass. It's alright." Mahinang sabi sakin ni Nathan at ramdam kong humihigpit pa lalo ang yakap niya sakin. "Ang importante ngayon ay nandito ka na." dugtong pa niya sabay marahan niyang inalis ang pagkakayakap niya at hinawakan ang pisngi ko at pinunasan niya ng thumb niya ang luha ko.
"Tahan na." mahina niyang sabi na medyo nakangiti. Pero sinasabi ng mga mata niya na malungkot siya.
Yumuko siya para siguro tingnan yung suot ko at tingin ulit sa mukha ko sabay ngisi. Napakunot ako ng noo. "Nakarating ka rito ng naka-paa?" tanong niya bigla ng naka smirk kaya napahampas ako sa braso niya sa inis.
"Nakakainis ka. Na-delay tuloy yung date ko. Ikaw kasi eh! Ilang beses kitang tinatawagan at tinetext hindi ka naman sumasagot. Pinuntahan pa kita sa bahay mo, wala ka naman. Lagi kang busy." Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama. Pero hindi ako galit ah. Naiinis lang ako.
Pagtapos ko magsalita ay niyakap niya ako ulit ng mahigpit at sabay bulong sa tenga ko. "I'm sorry." Niyakap ko na din siya ulit ng mahigpit.
Maya maya ay marahan niya akong nilayo sa kanya para maalis sa pagkakayakap at saka niya hinaplos ang buhok ko ng may ngiti sa labi niya. "Aalis na ako." Sabi niya na dahilan ng muli kong pagiyak.
Tumalikod na siya at naglakad papunta doon sa bag niyang binitiwan kanina. Pero tumigil siya at humarap sakin ng nakangiti. "Pwede bang humingi ng pabaon?" tanong niya.
Nagtaka ako at napakunot ng noo. Pabaon? Anong baon? "Baon?" tanong ko sabay tingin sa mga kamay kong walang dala. "Pero wala akong dala na kahit ano." Dugtong ko at napangisi naman siya dahilan ng pag pout ko.
"Halata naman eh." Sabi niya at lumapit ulit siya sakin. "Ito nalang." Dugtong niya sabay tinaas niya ang dalawang kamay niya at humawak sa magkabilang pisngi ko.
Dahan dahan niyang nilapit ang lips niya sa noo ko habang nakatingin naman ako sa dibdib niya.
Naramdaman kong tumigil siya bago pa dumikit yung labi niya sa noo ko kaya nagtaka ako at itinaas ko ang tingin ko.
Nagulat nalang ako na halos hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Bigla nalang niya akong hinalikan sa labi ko.

YOU ARE READING
Secretly In Love
Romance"Sige na Nathan. Pumayag ka na. Please. Isang gabi lang naman eh." pagmamakaawa ko kay Nathan. Si Nathan lang talaga ang tangi kong paraan. Kung ayaw niyang pumayag ng isang usapan lang, Pwes! idadaan ko siya sa sapilitan.