Chapter 11

43 1 0
                                        

-Nathan's POV-

*sigh* Hindi pa ako nakakalayo ng bansa, namimiss ko na agad si Cassey. Ano na kayang ginagawa niya? Nakatayo parin kaya siya doon sa sobrang shock? Hahaha! Nakakatawa!

'TANGA! sino ba naman kase ang hindi magugulat sa ginawa mo? Alam ng lahat na magbestfriend kayo tapos bigla bigla mong hahalikan sa labi sa harap ng maraming tao lalo na sa harap ng mga kaibigan niya. Ewan ko nalang kung hindi pa humiwalay yung katinuan nun sa katawan niya.'

HAY! Nababaliw na ako dito sa other side ko a.k.a konsensya. Iniisip ko tuloy kung yung ibang tao ba nakikipagusap rin sa other side nila? Tsk! bwiset!

HAY!~ Nababaliw na nga ako sa OS [Other Side] ko, mababaliw pa ako kakaisip kung kamusta na si Cassey. Kinakabahan ako baka nagalit siya sa ginawa ko. Ano bang gagawin ko?

'Kahit kelan talaga ang tanga tanga mo! Nakakakulo ka ng dugo ah! Pati image ko nasisira sayo eh! Pano mo namang nasabing magagalit yon? Eh hinalikan ka nga rin niya diba?! TANGA!'

AAGH!!!!!! Pwede ba! tigilan mo na nga yang kakatawag sakin ng Tanga! Kung tanga ako, tanga ka rin. TANGA! Dugo ko ang kumukulo sayo eh! Badtrip!

Napapaisip tuloy ako. Bakit nga ba hinalikan din ako ni Cass? Hindi ko ine-expect yon. Ang ine-expect ko eh itutulak niya ako at sasampalin o kaya naman sisipain niya ako.

=flashback=

"OO KAYA!" sigaw ni Ate Luna sa kausap niya sa phone -kay Cassey. "Ano? Pupunta ka ba? Dahil kung pupunta ka, Pumunta ka na ngayon at paalis na si Nathan!" dugtong pa niya. "Hello? Hay! binabaan ako." reklamo niya pa. "Kakainis 'to si Cassey. Tinawagan ko na nga siya kagabi tapos tinext ko pa siya kaninang umaga. Parang wala siyang pakelam kay Nathan. tsk!" reklamo niya sa phone niya.

Hayy~ gusto ko sanang si Cassey ang huli kong makita bago ako umalis dito sa bansa. Pero mukhang hindi mangyayari yon. Galit parin siya sakin.

"Wag ka mag-alala, Nathan. Nararamdaman kong pupunta si Cassey. Hintayin muna naten." sabi ni Suzy. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Hay~ magdilang angel ka sana.

"Oo sigurado akong pupunta yon. Wag ka nang malungkot, Nathan." sabi naman ni Krystal.

Ilang minuto pa ang lumipas hindi parin siya dumadating. Nawawalan na ako ng pag-asa. Baka mabaliw ako sa America pag di ko nakita si Cassey sa huling pagkakataon. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Ang hina hina kase ng loob ko eh. Badtrip! Ang tanga tanga ko.

'Tama! Mabuti naman at alam mo nang tanga ka. Thank you at hindi ko na kailangan ipaalala sayo. HAH!' sabi ng OS ko. Tsk! Kaasar!

Maya maya pa ay inannounce na paalis na yung sasakyan ko in 10 minutes. Hay wala na talaga. Hindi na darating si Cassey.

Tumingin ako kila Ate Luna mula sa pagkakayuko ko at saka nagpaalam sa kanila.

"Ladies, mag-iingat kayo lahat ah. Mami-miss ko kayo. Alagaan nyo mabuti si Cassey KO ah." sabi ko sa kanilang apat.

Ops! wag mag isip ng kung anu ano ah. Sabi ko kase sa kanila na ako lang ang bestfriend ni Cassey at never magiging sila. Hahaha! Oo, inaaway ko silang tatlo. Hahaha! Bakit kamo? Kase wala lang. Gusto ko lang sila asarin. Pero alam naman nilang nagjo-joke lang ako eh. Kaya okay lang sa kanila. Nakikisakay nalang sila sakin.

Lumingon naman ako kay Ate Luna, "Ate Luna, yung bilin ko sayo, don't you ever forget that. okay?." sabi ko sabay ngiti at dahan dahan akong tumalikod sa kanila saka naglakad palayo.

Secretly In LoveWhere stories live. Discover now